May gamot ba para mapaliit ang goiter o bosyo, at hindi na ba mabubuntis ang babaeng inoperahan sa appendix? Ilan lamang iyan sa mga tanong na binigyan ng kasagutan sa programang "Pinoy MD."

Ayon sa cancer surgeon na si Dr. Dave Ampil II, batay sa ginawa niya noong pag-aaral, malaki ang pag-asa na makuha sa gamot ang goiter kapag maliit pa ito.

Pero hindi umano lahat ng goiter ay maaaring makuha sa gamot dahil sa iba-iba ang uri nito. Mayroon umanong goiter na matigas at maaaring tumor kaya kailangang isailalim sa masusing pagsusuri.

Payo ni Dr. Ampil, ipatingin mula ang goiter sa duktor para makakuha ng karampatang payo kung puwedeng idaan sa gamot o kailangan na itong operahan.

Sa tanong na kung hindi maaaring mabuntis pa ang babae kapag naoperahan sa appendix, sinabi ng duktor na ang appendix ay ikinukonsiderang vestigial organ o walang epekto sa katawan.

Kaya naman kahit daw na alisin ito, wala itong maidudulot na masamang epekto sa katawan ng tao.

Alamin din ang payo ni Dr. Ampil sa tanong tungkol sa mga hukot o may "kyphosis," at kung ano ang dapat gawin ng isang taong nagkaroon ng stroke para maigalaw ang parte ng katawan na naapektuhan:

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News