Isang sunog ang sumiklab sa Barangay Zone 4, Atimonan, Quezon pasado 10:00 ng umaga nitong Huwebes.
Mabilis na kumalat amg apoy dahil kahoy ang malaking bahagi ng bahay at malakas din ang hangin.
Ayon sa BFP Atimonan, itinaas sa 3rd alarm ang sunog at magkakadikit ang mga bahay sa lugar.
Dumating ang bumbero mula sa bayan ng Gumaca, Unisan, at Lucena City.
Nag babayaninan mga taga-Atimonan. Nagtulong-tulong ang mga residente na punuin ng tubig ang isang fire truck na naubusan.
Dalawang bahay ang apektado ng sunog at maswerteng hindi na ito gumapang pa dahila sa mabilis na pag-apula.
Amabot ng 12:00 ng tanghali nang ideklarang under control ang sunog at dakong 12:20 ng hapon naideklarang fire out.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang BFP Atimonan.
Dalawa ang naiulat na nasugatan sa sunog at walang nasawi.
Nangako naman ng tulong ang LGU sa mga nasunugan. —LBG, GMA News