Tatlo ang patay sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Koronadal at General Santos City. Ang isa sa mga biktima, itinumba habang nagkakape lang sa isang karinderya.
Sa ulat ni Corinne Catibayan sa GTV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkakape lang sa karinderya sa GenSan Drive sa Koronal si Joel Agustin, nang lapitan siya ng salarin at binaril nang malapitan.
Matapos isagawa ang krimen, tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo.
Wala raw alam ang mga kaanak ni Agustin kung may nakaaway ito, o kung nakatatanggap ng banta sa buhay.
Bago ang pamamaril kay Agustin, binaril naman at napatay sa isang tindahan sa Barangay AvanceƱa si Samuel Guanzon.
Dalawang lalaki ang itinuturing salarin na mabilis din na nakatakas.
Napag-alaman ng pulisya na isang drug surrenderee si Guanzon.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang krimen.
Sa General Santos City, binaril din at napatay si retired Coronel Elicardo Cabangal, sa Baragay City Heights.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nasa labas ng kaniyang opisina si Cabangal nang may pumaradang sasakyan sa kaniyang tapat at paputukan siya.--FRJ, GMA News