Naaresto ng mga awtoridad ang tatlong lalaki na suspek sa magkakahiwalay na insidente ng panghahalay sa mga menor de edad sa Dagupan, Pangasinan. Ang pinakabatang biktima, apat na taong gulang lang.
Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Lunes, sinabing unang nadakip ang lalaking nanghalay umano sa mga kapitbahay niyang edad apat at anim.
Naglalaro raw noon ang mga biktima nang tawagin sila ng suspek at saka sila ginahasa.
Inaresto naman ang isang lalaki na 15-anyos na estudyante ang umano't biniktima.
Niyaya raw ng suspek ang biktima na bumili ng sigarilyo pero pinagsamantalahan niya ang dalagita sa bakanteng lote.
Wala pang pahayag ang dalawang suspek.
Sa isa pang kaso, 13-anyos na estudyante naman ang ginahasa ng isa pang naarestong suspek na itinanggi naman ang alegasyon laban sa kaniya.--FRJ, GMA News