Nasunog nitong Biyernes ng gabi ang isang bahagi ng pinakamalaking wet market sa Kidapawan City sa lalawigan ng Cotabato.

Sa ulat ng Balitanghali Weekend nitong Sabado, sinabing sumiklab ang apoy bago mag-alas syete ng gabi, at umabot ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali.

Naagapan naman ng mga bumbero ang pagkalat ng apoy, ayon sa ulat.

Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog. Pero hinala ng ilang vendor, nagsimula ang ito sa basurang itinapon sa katabing bakanteng lote.

Walang napaulat na nasaktan sa insidente. —LBG, GMA News