Limang araw nang nawawala ang bise alkalde ng bayan ng Tinoc sa lalawigan ng Ifugao.

Ayon sa mga pulis, alas siyete ng umaga nitong Biyernes nang sumakay sa bus si Vice Mayor Fernando Gapuz papuntang Mountain Province.

Base sa kuha ng CCTV, bumaba si Gapuz sa Abatan, Benguet.

Huli raw siyang nakita habang papunta sa direksyon ng Mangkayan.

Nakasuot noon si Gapuz ng brown leather jacket, brown hat, brown pants at green slip-on slippers.

Sa makapagbibigay impormasyon kung nasaan si Gapuz, puwede pong tumawag sa Tinoc Police. —JST, GMA News