Nasa bansa ngayon ang Filipino-American na Miss Universe 2022 na si R’Bonney Gabriel, na inaasahang magtatagal sa Pilipinas dahil sa dami ng kaniyang gagawin.
Sa panayam ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras” nitong Huwebes, inihayag ni R’Bonney, na nais niyang subukan ang acting.
“Acting, I’m definitely very interested in. I’m up for the challenge. I recently just watched a movie with Anne Curtis-Smith and I thought that was really good. I'd love to work with her,” ayon sa beauty queen.
Nang tanungin kung anong genre ang gusto niyang sabukan, tugon ni R’Bonney said, “I love action, and I just love rom-com. I love rom-com so much.”
Sinasanay na rin ni R’Bonney ang kaniyang pagsasalita ng Tagalog, at matutunan pa lalo ang kulturang Pinoy.
“My dad didn't speak too much Tagalog in the household. I heard it mostly at the family gatherings, with my titas, my titos, mostly. I said, 'Dad why didn't you teach me Tagalog?’” pahayag ni R’Bonney.
“It's so hard to learn now. It's much harder when you're older. Hay naku! But nag-aaral ako,” natatawa niyang sabi.
Sa pagbabalik niya sa bansa nitong nakaraang linggo, naranasan ni R’Bonney ang matinding init ng panahon.
"Y'all said it was hot but I'm not sure I packed right for this heat," saad niya sa kaniyang post sa Instagram.—FRJ, GMA Integrated News