Inihayag ni Martin Del Rosario na crush niya ang Kapuso actress na dati niyang nakasama sa ilang proyekto.
Sa episode ng "Fast Talk With Boy Abunda" nitong Miyerkules, tinukoy ni Martin na si Liezel Lopez ang crush niya nang sumalang siya sa segment na "Fast Talk."
Nang maging guest sa programa ni Tito Boy Abunda sina Martin at Liezel noong 2023, inihayag ng aktres na crush din niya si Martin.
Nang tanungin noon si Liezel kung ano ang sexiest part sa katawan ni Martin, nahihiyang sinabi ng aktres na "everything."
Nagkasama sina Martin at Liezel sa seryeng "Voltes V: Legacy," kung saan gumanap sila bilang mga kontrabidang sina Prince Zardoz at Zandra.
Muli silang nagkasama sa GMA Prime Series na "Asawa ng Asawa Ko."
Kasalukuyang bahagi si Martin sa "Lolong: Bayani ng Bayan," na napapanood pagkatapos ng GMA News "24 Oras."—FRJ, GMA Integrated News