Proud mom si Jackie Forster sa pagrampa ng anak na si Kobe Paras sa New York Fashion Week. May mensahe rin si Jackie kay Kyline Alcantara na nali-link ngayon kay Kobe.

Sa Instagram, ibinahagi ni Jackie ang video compilation ng pagrampa ni Kobe sa naturang fashion event para sa brand na Millari.

"We are so ready for it!" saad ni Jackie sa caption. "Kobe walking at #NYFW for @milarri_"

Nagkomento naman si Kobe sa naturang post ng kaniyang ina na, "I love you so much mama,"' na may kasamang red heart emojis.

"I love you more! See!? It only took me two days to make the video so proud of you two keep pushing pass your comfort zone my beautiful talented boy! Anything is possible," tugon ni Jackie sa anak.

Nagkomento rin si Kyline sa post ni Jackie na may tatlong white heart emojis.

Tugon dito ni Jackie para kay Kyline, "Sky is the limit for you two!"

 

 

Rumampa rin sa naturang event si Kyline para sa Filipino fashion designer na Chris Nick's Spring/Summer 2025 show.

Nagsimula ang mga espekulasyon na may magandang namamagitan kina Kobe at Kyline nang mapansin ng netizens noong Mayo ang post na larawan ng dalawa na tila nasa iisang restaurant.

Walang pagkumpirma mula sa dalawa tungkol sa tunay nilang relasyon, pero inihayag ni Kyline sa isang panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda," na masaya siya ngayon. -- FRJ, GMA Integrated News