Nanindigan si Diego Loyzaga sa kaniyang pahayag noon na ang marriage o kasal ay isang “piece of paper,” bagama’t wala siyang nakikitang problema rito at maaari niya itong ikonsidera sa hinaharap.

“If two people can get married and they are happy, great! That’s perfectly fine with me,” sabi ni Diego sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.

Ngunit nagpaliwanag siya kung bakit niya nasabi ang kaniyang mga pangungusap noon.

“Ang sinasabi ko lang is marriage is a piece of paper because it doesn’t justify na you can commit to this person. It doesn’t justify na because of this piece of paper, it makes us above anybody else who isn’t married.”

Para kay Diego, maaring magsama ang dalawang tao at magkaroon ng anak kahit hindi sila kasal.

“I think two people who have a child can still raise that child and have a beautiful outcome for that child, pero hindi tayo kasal. Again, that’s just my opinion,” anang aktor.

“Sa kasalukuyan, your thinking is ‘I’m not gonna go into marriage?’” tanong ni Tito Boy kay Diego.

“I’m not saying that,” sagot ng aktor.

Sinang-ayunan ni Diego ang komento ng King of Talk na hindi niya kayang malaman kung ano ang mangyayari sa hinaharap.

“I cannot. Again, one day at a time.”

Sa panayam sa kaniya noon ni Toni Gonzaga sa Toni Talks, na iniulat ng pep.ph, sinabi ni Diego na hindi siya naniniwala sa kasal.

“"I don't believe in marriage. It's a piece of paper for me," sabi ni Diego.

Si Diego ay anak ni Teresa Loyzaga kay Cesar Montano. —Jamil Santos/NB, GMA Integrated News