Tiyak na mag-e-enjoy ang mga taong manonood sa "Kapuso Countdown to 2020: The GMA New Year Special," na gaganapin sa SM MOA, Seaside Boulevard, Pasay City sa Martes ng gabi, December 31.
Pangungunahan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang mga Kapuso star na magtatanghal sa naturang countdown, na magsisilbi rin hudyat sa year-long celebration para sa 70th anniversary ng Kapuso Network.
Maghahatid naman ang Asia's Pop Diva Julie Ann San Jose ang isang hot and fierce opening number, at magpe-perform din sina Aicelle Santos, Mark Bautista, Kris Bernal, Katrina Halili at Kyline Alcantara,
Makikita rin ng fans sina Kris Bernal, Rocco Nacino, Sanya Lopez, Sef Cadayona, Betong Sumaya, Kristoffer Martin, Jak Roberto, Migo Adecer, Klea Pineda, at Arra San Agustin.
Magtatanghal din ang P-POP Generation, Buganda, Golden Cañedo, Hannah Precillas, Garrett Bolden, Jong Madaliday, at XOXO.
Makakasama rin ang produkto ng StarStruck Season 7 na sina Shayne Sava, Kim de Leon, Allen Ansay, at Lexi Gonzalez, at ng "The Clash Season 2" na sina Jeremiah Tiangco, Thea Astley, Antonette Tismo, Nef Medina, at Jeniffer Maravilla.
Magsisimula ang pre-show ng countdown sa ganap na 8:00 pm at ang live telecast naman ay magsisimula sa ganap na 10:30 pm hanggang sa pagsalubong sa 2020.--Jamil Santos/FRJ, GMA News