Bukas na si Mylene Dizon na pag-usapan ang relasyon nila ng boyfriend niya na si Jason Webb. Six years na silang magkarelasyon at pareho silang may mga anak sa dati nilang mga partner.

“Yeah, but you know I’m not naman a person who likes to talk about it, to be quite frank about it, and that’s it. I just have a relationship,” lahad ni Mylene, nang makapanayam sa presscon ng pelikula niyang "Belle Douleur."

May plano ba silang magpakasal?

“No, no,” sabay iling niya. “No, I don’t want to.”

Hindi ba siya naniniwala sa kasal?

“For myself. Not for other people, but just for me,” diin ni Mylene.

May anak na ba sila ni Jason?

“I have my two sons and Jason has his own family.”

Pero gusto ba nila ni Jason na magkaroon ng sarili nilang anak?

“Ang tanda ko na, ‘day! Matanda na ako. Pwede ba, ayoko nang maghabol ng mga bata! Utang na loob!,” natatawa niyang sabi.

Okay lang ba sa kanila ni Jason na wala na silang anak na galing sa kanila pareho?

“Oo, I think, the house is full. We don’t need, we’re fine. And if we part our ways, oh my God!

“Oh, my gosh! Hindi ko kayang isipin."

Ayon kay Mylene, ang Belle Douleur na idinerek ni Atty. Joji Alonzo ang pinakamahirap niyang ginawa.

“Oo, eto na yun. Parang pagkatapos nito, uwi na ako. Ayoko na.

"Eto, intense ‘to. Said [sagad] hanggang buto.”-- For the full story, visit PEP.ph