Katulad ng takbo ng kuwento ng Kapuso prime-time series na Pamilya Roces, tatlo rin ang pamilya ng veteran actor na si Roi Vinzon sa totoong buhay.
Ang pagkakaiba raw, kung sa "Pamilya Roces" ay pinagsabay-sabay ng karakter ni Roi ang pagkakaroon ng tatlong pamilya, siya raw ay walang pinagsabay.
“One at a time, hindi sabay-sabay,” paglilinaw niya.
Ang una at orihinal niyang pamilya ay nasa America raw at dalawa ang anak niya doon.
Divorced daw siya sa una niyang asawa.
Kasal naman siya sa ikatlong ina ng mga anak niya rito sa Pilipinas.
Pito raw lahat ang mga anak ng aktor sa tatlong babae.
Thirty-four years old ang pinakapanganay at ang pinakabunso ay 10 taong gulang.
Isa pang pagkakaiba ng buhay ni Roi sa takbo ng kuwento ng "Pamilya Roces," hindi raw nag-aaway-away ang mga anak niya.
“Hindi sila nag-aaway, nagpupunta pa sa bahay,” sambit niya.
Pabiro pang sabi ng aktor, “Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung alam ako ng writer…
"Hindi ko nga maintindihan kung bakit in-offer sa akin ‘to.”
Nag-pilot na ang "Pamilya Roces" nitong Lunes, October 8, sa GMA-7.
Ang mga karelasyon niya sa show ay sina Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa, at Ana Roces.
Ano ang nakikita niyang aral na makukuha ng mga manonood na susubaybay sa prime-time series nila?
Ayon kay Roi, “Hindi naman ginaganun ng writer, hindi yung mas masaya, hindi siya hina-hype.
“Hindi naman kasi pupuwede yun… problema, e, kumbaga, hindi dapat tularan.” -- For the full story, visit PEP.ph