
Parang breath of fresh air kay Gabbi garcia ang bagong teleseryeng "Pamilya Roces" na kinabibilangan niya dahil marami siyang kasama na ngayon lang niya nakatrabaho, kabilang na ang direktor nilang si Joel Lamangan.
Ayon kay Gabbi, “Nag-e-enjoy po ako at marami po akong mga bagong katrabaho at mga dating nakatrabaho. Like si Ate Carla [Abellana], nakatrabaho ko sa una kong teleserye, sa My Destiny.
“'Tapos si Direk Joel Lamangan, first time ko po siyang makatrabaho. So masaya po. Interesting din siya for me kasi dito po, story po ng limang magkakapatid pero galing sa three families. Ang pinakatuktok, si Tito Roi Vinzon.”
Storycon pa lang daw nila para sa Pamilya Roces, napa-wow na siya sa nakita niyang casting.
“Ang daming poste,” sabi niya, na ang tinutukoy ay mga artistang haligi na sa industriya.
Aniya, “Pressure rin kasi si Tita Gloria Diaz ang mommy ko rito. Yung character ko as Jade, part po ng original family. Ano siya, misinterpreted at yung color palette ko rito, green pa rin, parang si Alena pa rin.
“So yun po, outspoken siya, palaging may pinaglalaban but she means good.”
Aliw ang kuwento ni Gabbi tungkol sa director nila na si Direk Joel kunsaan, nanginig daw siyang talaga.
Pero hindi naman daw siya napapagalitan.
“Inunahan ko ng takot,” lahad niya.
“Siyempre first day, ang dami kong tinatanong na artista. 'Kumusta po si Direk Joel?' You really have to work your way. He means work when he’s on the set, he means work talaga.
“Parang naka-mindset na ko first day pa lang na I really have to work. I really have to memorize all my lines. And first day po, aaminin ko nanginig ako. Ngayon lang ako nanigas sa set.
“Parang kinondisyon ko na ang utak ko na ganito. Pero after nung first day, relax na po ako.”
Unang teleserye ni Jasmine Curtis-Smith sa Kapuso network ang Pamilya Roces.
Kumusta itong katrabaho?
Sagot ni Gabbi, “Si Jas okay siyang katrabaho. Madalas sa standby area magkatabi kami and we really get along. Sa mga kuwento, we can relate and parang we have a lot of common friends, parang same circle rin.
“Madaling makipagkuwentuhan kay Jas. Napakatalinong tao, napaka-sensitive.”
Katulad ni Jasmine, unang teleserye rin ng bagong Kapuso na si Manolo Pedrosa ang Pamilya Roces.
“Si Manolsky,” natawang sabi niya.
“Manolsky kasi ang tawag ko sa kanya. I first met him nung look test namin for the show. And unang usap ko pa lang sa kanya we got along na. He’s very approachable. At siya ang tipo ng taong gustong-gusto niyang mag-work.
“Nakaka-motivate siya dahil as in gustong-gusto niyang mag-work. Gusto niya yung segue-segue.
“So parang ako, sige okay, work tayo.”
Sa October 8 na ang pilot ng "Pamilya Roces" sa primetime block ng GMA-7. -- For the full story, visit PEP.ph