Sa programang "Mars" nitong Martes, inihayag ni "Bubble Gang" babe Arny Ross na "kontrabida" siya sa barkada lalo kapag pinag-uusapan ng mga kaibigan niyang lalaki ang mga kalokohan nila sa kanilang mga girlfriend.

"Sobrang Team Loyal ako. 'Yung mga lalaki kasi sa barkada, minsan nagmamalaki pa sila na, 'Uy meron akong nakasamang [babae].' Hello! Kakilala ko kaya 'yung girlfriend mo!," saad niya.

Para kay Arny, nais niya na irespesto ng mga barkada niyang lalaki ang kanilang mga nobya dahil isa rin siyang babae.

Samantala, ikinuwento naman ni Sef Cadayona na takot siya sa heights pero para sa barkada, napasakay siya ng Ferris wheel.

Pero nang tumigil na sa tuktok ang Ferris wheel, nagkaroon siya ng hindi kaiga-igayang karanasan.

"Sa gitna pala, nag-i-stay lang siya sa du'n, medyo matagal. Takot at ako sa heights, takot na takot ako sa heights. Nandu'n lang ako sa dulo nakaganu'n lang. Tapos nu'ng gumanu'n (turo sa taas), sumuka ako sa sobrang takot."

Panoorin ang kanilang kuwentuhang barkada sa video na ito ng "Mars."

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

-- Jamil Santos/FRJ, GMA News