Makapigil-hininga ang aksyon sa pagpapatuloy ng "Mulawin Vs. Ravena" ngayong linggo.
Gamit ang kaniyang huling lakas, sinagip ni Alwina ang kaniyang anak na si Almiro mula sa tiyak na kapahamakan. Sa isang madamdaming tagpo, binigyan ng isang yakap ng Mulawin ang kaniyang anak upang iparamdam ang kaniyang pagmamahal.
Pagkatapos nito, nagkaroon ng pagkakataon si Alwina na masilayan sa unang pagkakataon ang kaniyang anak kay Gabriel. Ngunit sa pagdating ni Rashana, may sagupaang mangyayari na tila nagbabadya ng wakas ng kuwento ni Alwina.
—JST, GMA News