Kinumpirma ng Aksyon Demokratiko ang pagbibitiw ni Pasig City Mayor Vico Sotto mula sa partido.
Inihayag ito ni Aksyon Demokratiko chairperson Ernest Ramel nitong Miyerkules sa GMA News Online.
Ayon kay Ramel, naging epektibo ang pagbibitiw ni Sotto sa partido noong Hunyo 30.
Si Sotto ang executive vice president ng partido.
Sa Twitter post, inihayag ni Sotto na ang pagkakaiba sa paniniwala sa ilang kasama niya sa partido ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw.
Ipinost ng alkalde ang kopya ng kaniyang resignation letter na nagsasaad na taong 2018 nang sumapi siya sa Aksyon Demokratiko na, "in seach of a reform-oriented political party that stood for principled politics and inclusive governance."
Since I resigned from Aksyon Demokratiko last July, I never made any announcement. But since media has now reported it, here is my resignation letter.
— Vico Sotto (@VicoSotto) November 2, 2022
I respected party decisions while I was a member, but for reasons stated in the letter, I decided to resign after the elections. pic.twitter.com/izXDooeoqI
Gayunman, sinabi ni Sotto na sa mga pinakahuling pangyayari ay tila iba na ang direksiyon na tinatahak ng partido.
"I believe that we are no longer a group of individuals with similar poltiical goals and ideals. To me, this defeats the purpose of being a member of a political party," saad niya sa sulat ng kaniyang pagbibitiw sa partido.
Hindi binanggit ni Sotto kung ano ang partikular na insidente na nagtulak sa kaniya na umalis sa partido. Pero nilinaw niyang nananatili ang respeto niya sa liderato at mga kasama nito.--FRJ, GMA News