Nasawi ang isang mag-ina matapos silang makuryente nang mahulog sa tubig ang extension ng saksakan habang naglalaba sa Malinao, Albay.
Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, lumabas sa inisyal na imbestigasyon na naglalaba noon ang inang si Asuncion Bonagua nang aksidenteng nahulog ang extension sa tubig kaya siya nakuryente.
Tinangka siyang iligtas ng anak na si Ayen pero maging siya ay nakuryente.
Dead on arrival sa ospital ang mag-ina.--Jamil Santos/FRJ, GMA News