Isang kalansay ng "Allosaurus" na naglakad sa daigdig 150 milyon taon na ang nakalilipas ang naibenta sa Paris, France sa halagang katumbas ng mahigit $3 milyon.

Sa ulat ng Reuters, sinabing nahukay ang kalansay ng naturang dinosaur sa Wyoming, USA noong 2017.

Halos 70 porsiyento umanong kompleto ang kalansay ng dinosaur kaya itinuturing itong pambihirang specimen.

 

 

Nang ayusin ang mga buto, may taas itong 11 talampakan at haba na 32 talampakan.

"For this specimen, its size, quality of the bones, completeness of the skeleton, and the specimen was found in an anatomical connection," sabi ni Iacopo Briano, Palaeontology and Natural History expert.

"It has been found in a lying position, all the vertebrae were in their place, and they all connect. These are the four main feature that makes me say, okay this is a high-grade specimen, and we start at 1, 1.2 million (euros)," dagdag niya.

Hindi tinukoy kung sino ang nakabili sa kalansay sa presyong $3.52 milyon o katumbas ng mahigit P171 milyon.--FRJ, GMA News