Minolestiya umano ng menor de edad na akyat-bahay ang isang 19-anyos na babae sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Malued, Dagupan City.

Ayon sa ulat ng "Balita Pilipinas" nitong Huwebes, nagising nalang si "Maricris" nang pumapatong na sa kanya ang suspek na wala nang saplot pang-ibaba.

Kwento ng dalaga, hinipuan daw siya ng suspek ang biktima sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Tumakas raw ito matapos niyang sipain at humingi ng saklolo.

Arestado sa follow-up operation ang 17 taong-gulang na lalaki na dati na nang inireklamo umano dahil sa pagkasangkot sa mga inisidente ng nakawan at pangmomoletiya.

Ayon sa imbestigasyon, unang pinuntirya ng suspek na magnakaw. Pwersahang nitong pinasukan ang bahay kung saan Lolo at Lola lamang ang kasama ni Maricris.

Desidido na raw si Maricris na sampahan ng kaso ang suspek. "Gusto ko po makulong na po siya para di na po siya makapanghalay pa ng iba."

Paalala naman ng pulisya: "I-secure lang natin 'yung mga lock ng bahay natin. Hangga't maari, i-double lock natin 'yung mga pinto natin. Lalo 'yung mga flash door natin sa kusina." —Margaret Claire Layug/NB, GMA News