Nauwi sa rambol ang isang basketball championship game sa Iloilo City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles mula sa GMA Regional TV One Western Visayas.

Nakisali sa gulo hindi lang mga player kundi pati mga tagasuporta ng naglalabang koponan.

Kahit pumagitna na ang mga opisyal ng barangay ay hindi pa rin natigil ang kaguluhan hanggang sa may napaputok na ng baril.

Inaalam pa ng pulisya ang naging sanhi ng kaguluhan. —KBK, GMA Integrated News