It used to be you needed to live inside a particular territory to be part of a nation.
In an increasingly borderless world, it’s not so much a prerequisite as an option.
The Filipino diaspora community is one of the first modern tests of this concept. With dual citizenship, Filipinos can live and work as full-fledged citizens in another country while enjoying the privileges of being Filipino citizens. Those privileges would include the right to own land in the Philippines and to vote in elections.
But the legalities only reinforce what is already common: Even when living far away, many Filipinos still feel they belong to the homeland and form communities overseas of like-minded Filipinos.
That’s where the idea of “global Pinoys” resides, in the hearts and minds of multitudes of people with Filipino blood. And in the case of those like Canadian-Filipino Kyle Jennerman of “Becoming Filipino” fame, you don’t even need Filipino DNA to qualify, just a love and affinity for Filipinos.
Global Pinoys are a world-wide community, and what GMA Network calls its international audience.
This is a recent branding but a long-standing phenomenon. Filipinos have been migrating overseas in large numbers for over a century. Filipino-American communities consist now of several generations with its own history and heroes.
One of the most respected names in Filipino-American history was a labor leader in California in the 1960s and 70s named Larry Itliong. He is credited with organizing one of the most successful farm labor movements in America, and winning rights that workers today take for granted. He has been honored in his adopted country with a “Larry Itliong Day,” a school and bridge named after him, a documentary about him and his movement, and even a musical based on his life and times.
But in his hometown of San Nicholas, Pangasinan, which he left when he was 15, Larry Itliong is barely known. That is, until this past week when the town marked its own first “Larry Itliong Day.”
A project of California-based Filipino artist and civic activist Eli Silva, the idea to celebrate its native son Itliong was embraced by the local government led by Mayor Alicia Enriquez.
As a global Pinoy myself, having spent my youth in America before coming home for good, I was invited to give the keynote speech on this great day. I implored local leaders to make their community in Pangasinan progressive enough so that their talented kababayans need not migrate anymore. Enable future Larry Itliongs to thrive in the homeland.
The text of the speech is below.
--------
Maging Larry Itliong sa sariling bayan
Naimbag nga bigat!
Isang mainit na bati sa inyong lahat.
Paumanhin at limitado pa po ang aking wikang Iloko kahit Ilokana po ang aking ina, na taga Ilocos Sur.
Dahil Tagalog po ang aking ama, Tagalog po ang wika namin sa bahay, maliban lang sa mga salitang madalas kong marinig mula sa aking Ilokanang ina nung ako’y bata pa, tulad nalang ng DUGYOT at NATANGSIT, at minsan BAGTIT.
Ito po ang unang punta ko sa San Nicolas at masaya ako – ito’y iba sa Pangasinan na alam ng marami, yung Pangasinan ng dalampasigan at ng asin na nagbigay ng pangalan sa inyong probinsya.
Kayo ang Pangasinan ng kabundukan, isang bayan na tatawaging NAPINTAS ng aking ina.
Ang nagparating sa akin dito ay isa niyong kababayan na naging bayani sa ibang bansa. Si Larry Dulay Itliong. Tila ngayon lang siya nakikilala sa tinubuang lupa niya, pero siya’y isang dakila na dapat niyong ipagmalaki!
Tulad ng maraming Pangasinense, nag migrante si Larry upang maghanap buhay. Kinse anyos lamang siya noong dumating sa America, ngunit baon na niya ang tapang at malasakit na namana niya sa kanyang mga ninuno sa bayang ito. Tulad ng maraming Pilipinong nag-iibang bayan hanggang ngayon, umalis siya upang makatulong sa pamilya at dahil kulang ng oportunidad sa bayang tinubuan.
Masipag si Larry, nagtrabaho sa California sa ilalim ng mainit na araw sa malalawak na taniman ng ubas… at sa Alaska sa mga pabrika ng paglalata ng isda, kung saan nawalan siyang tatlong daliri sa isang aksidente. Kaya nabansagan siyang “Seven Fingers.”
Ngunit, bukod sa sipag, napuno rin si Larry ng awa para sa kapwa mangagawang Pilipino sa America.
Naging labor lider at matagal naglingkod sa komunidad ng mga Pilipino sa America. Mahusay makisama si Larry at nakumbinsi ang mga mangagawang Mexicano sa California noong dekada sesenta na magbuklod kasama ang mga Pilipino upang lalong lumakas ang hanay nila sa pakikibaka para sa kanilang karapatan. Noong araw, ang mga mangagagwa sa bukid sa America ay tumatanggap ng mas mababa pa sa minimum wage na nakalaan sa batas.
Hindi yun masikmura ni Larry at sa kanilang pagwewelga at negosasyon nagtagumpay sila sa wakas at napanalunan nila ang karapat-dapat sa kanila.
Walang tigil ang paglilingkod ni Larry para sa kapwa, hanggang siya’y mamatay sa idad na sesenta’y tres, bata pa pero ang daming nagawa.
Siya ngayon ang kinikilalang isa sa mga ama ng kilusan ng manggagawa sa California. Lahat ng mga Pilipinong naghahanap buhay ngayon sa California ay nakikinabang sa sakripisyo at pakikibaka ni Larry.
Matagal nang may Larry Itliong Day sa California dahil sa kanyang ambag sa kasaysayan ng America. May paaralan at tulay na ipinangalan sa kanya doon. May mga mural kung saan nandoon siya. May dula, pelikula at libro tungkol sa kanya. At may dokumentaryo na gawa ng sikat ng Pilipinang dokumentarista sa America, na si Marissa Aroy.
Sa wakas kinikilala na rin siya rito sa kanyang bayang tinubuan. Isa siya sa mga dakilang Pilipino na kahit nasa ibang bansa na, hindi tumitigil ang pagmamalasakit sa kapwa Pilipino.
Anong aral ang maaaring ibahagi ng kanyang buhay sa inyo, sa ating lahat?
Una, manindigan para sa prinsipiyo. Huwag magpaapi.
Pangalawa, magbuklod, mag organisa. Mas malakas at mas magtatagumpay kapag organisado.
Pangatlo, sikapin natin sa bayang tinubuan na pagbutihin ang buhay natin… para lahat tayo umasenso upang hindi na kailangan mangibang bayan para maging Larry Itliong sa labas ng bansa.
Dito tayo manindigan. Dito tayo magsumikap. Dito tayo magmalasakit. Dito tayo… maging mga Larry Itliong sa San Nicolas, Pangasinan.
Maraming salamat, at mabuhay tayong lahat!