GMANetwork.com - Radio - Videos

View videos on its anchor radio stations DZBB on the AM band and DWLS on the FM band.


Magkapatid, halos magpatayan dahil sa agawan ng mana! | Barangay Love Stories

Jun 20, 2024
Barangay Love Stories

Aired: September 11, 2021 Nang ikasal si Evelyn kay Melbert, tumira muna sila sa bahay ng pamilya ni Melbert pero plano rin talaga nilang bumukod. Ngunit nang magkaroon na nga sila ng munti nilang bahay, hindi pa rin sila makaiwas sa gulo na dala ni Remjun at Cora na kuya at hipag ni Melbert. Nung minsang magkasakit si Melbert at hindi na talaga alam ni Evelyn kung saan siya makakahingi ng tulong, kay Remjun siya lumapit pero hindi ito pumayag na tumulong. Kaya naisip na lang nila na ibenta kalahati ng lupang ipapamana kay Melbert. Naipagamot ni Evelyn ang kanyang asawa at bumuti ang lagay nito pero nang malaman nina Remjun na nagbenta sila ng lupa, halos magpatayan ang magkapatid dahil sa sama ng loob. Kapag lupa na ang awayan, nakakalimutan talaga ng iba kung sino ang kadugo nila. Pakinggan ang kuwento ni Evelyn sa Barangay Love Stories. #BLSPamana #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


Ninakaw na pag-ibig, hiram na pagbubuntis! | Barangay Love Stories

Jun 14, 2024
Barangay Love Stories

Aired: July 3, 2021 Isang biyaya ang kakayanang makapagluwal ng panibagong buhay sa mundo. Pero kakayanin mo bang ipahiram ang iyong sinapupunan para sa batang hindi naman sa iyo? Hindi nagkaroon ng happy ending si Pearl sa first love niyang si Michael. Ngunit hindi niya inaasahan na ang kapatid niyang si Patricia ang magkakamit noon sa piling ni Michael. Ang mas masakit pa, dahil nawalan ng kakayanan si Patricia na magbuntis, kay Pearl lumapit ang mag-asawa. Pakinggan ang kuwento ni Pearl sa Barangay Love Stories. #BLSHiramNaIna #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


Lalaki, nagpaka-ama sa batang hindi niya tunay na anak! | Barangay Love Stories

Jun 6, 2024
Barangay Love Stories

Aired: January 16, 2021 Mas komportable sa pamumuhay mag-isa si Daniel pero nang mamatay ang kanyang kapatid at hinabilin sa kanya ang nag-iisa nitong anak, walang ibang nagawa si Daniel kundi kupkupin ang pamangkin niyang si Krisha. Okay naman na ang buhay ni Daniel sa apartment niyang mukhang beer house ngunit hindi papayag si Krisha na hindi niya magawa ang huling habilin ng kanyang ina. Magustuhan kaya ni Daniel ang pagbabagong dala ng kanyang pamangkin? Pakinggan ang kuwento ni Daniel sa Barangay Love Stories. #BLSTitoTatay #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


Mister na 'TAKUSA,' sunud-sunuran sa misis niyang iresponsable! | Barangay Love Stories

May 30, 2024
Barangay Love Stories

Aired: December 19, 2020 Give and take - 'yan ang kailangan para mag-work ang isang relationship. Pero kapag give ka nang give at take siya nang take, pagmamahal pa rin ba ang tawag doon? Minsan, kailangan mo rin talagang magsalita para sa iyong sarili upang mas maintindihan ka ng partner mo. Kung ang pag-ibig ay tunay, mas pasasayahin niyan ang buhay. Pakinggan ang kuwento ni Vince sa Barangay Love Stories. #BLSTakusa #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


Dalagang binigyan ng magandang buhay ng ate niya, nang-ahas pa ng bayaw?! | Barangay Love Stories

May 23, 2024
Barangay Love Stories

Aired: December 12, 2020 "Ate ko, ikaw ay nag-iisa, sa pagmamahal at alaga di ka pumapalya. Salamat sa atensyon, panahon, at pagkakataon. Kung 'di dahil sa iyo 'di ako mananalo sa lahat ng mga hamon. I love you. ate, ikaw ang the best, kaya ang pagmamahal ko sa iyo laging more at hindi less." Ganyan kamahal ni Trina ang ate niyang si Greta. Pero sa kabila ng lahat ng sakripisyo ni ate para sa kanya, hindi na napigilan ni Trina ang nararamdaman niya para sa kanyang bayaw. Pakinggan ang kuwento ni Trina sa Barangay Love Stories. " #BLSAte #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


Mag-balaeng magkasama sa iisang bubong, nag-sabong! | Barangay Love Stories

May 17, 2024
Barangay Love Stories

Aired: November 28, 2020 Parehong lumaki na walang ama si Kit at ang girlfriend niyang si Samantha kaya siguro ay mas naging maganda ang simula ng kanilang relasyon hanggang sa mauwi na nga ito sa kasalan. Ngunit wala sa mag-asawa ang problema ng ating kuwento ngayon, kun'di nasa kanilang mga nanay. Dahil sa hindi nga nila maiwan mag-isa ang kanilang mga ina, tumira silang lahat sa iisang bahay. Kailan kaya magkakasundo ang magbalaeng ayaw pareho magpatalo, kapag napahamak na ang kanilang future apo? Pakinggan ang kuwento ni Kit sa Barangay Love Stories. #BLSUmpugan #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


Retiradong guro, tinalikuran ng sarili niyang kadugo | Barangay Love Stories

May 9, 2024
Barangay Love Stories

Aired: July 25, 2020 Uhaw sa pagmamahal si Lerma, kaya nang maramdaman niyang umibig ay ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit nang mabuo na ang kanyang sariling pamilya ay iginugol niya ang kanyang buhay sa pagtuturo na naging dahilan ng paglimot niya sa kanyang asawa at anak. Ngayong mag-isa na lamang siyang namumuhay, muli niya pa kayang mahagkan ang kanyang anak na si Lena? #BLSKRetiredTeacher #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


OFW na may lung cancer, ginawang ATM ng maluluhong anak at kamag-anak | Barangay Love Stories

May 2, 2024
Barangay Love Stories

Aired: October 13, 2019 Alang-alang sa kinabukasan ng kanyang mga anak, tinitiis ni Jessie ang hirap sa ibang bansa. Kumikita man siya ng malaki, hindi na rin siya nakakaipon dahil sa mga luho ng kanyang anak. Kahit pa sunod sa layaw ang kanyang mga anak, hindi naman ito nakatutulong para pumasa sila sa paaralan. Hanggang sa dumating ang oras na nagkaroon ng malubhang lung cancer si Jessie. Paano niya kaya ito sasabihin sa kanyang pamilya? #BLSKKinawawangAma #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Read more


Mala-dyosang dalaga, naging bayaran at kabit ng matandang lalaki! | Barangay Love Stories

Apr 25, 2024
Barangay Love Stories

Aired: November 10, 2019 Maganda ang lahi ni Robina dahil anak siya ng isang Pilipina na nabuntis umano ng isang foreigner na kalaunan ay iniwan din sila. Lumaking tinitingala ang ganda ni Robina hanggang sa umabot siya sa 18-anyos kung saan mas lalong nangibabaw ang kanyang kagandahan. Sa kabila ng kanyang mala-dyosang kagandahan, nagdesisyon ang ina ni Robina na ibenta ang anak sa mga lalaki upang kumita sila ng pera na kailangan nila sa araw-araw. Dito na nga dumating ang isang matandang lalaki na nagbigay ng malaking halaga para makuha ang dalaga. Ano kaya ang buhay na nakaabang kay Robina? #BLSKMagkanoKaBa #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


Mister na saksakan ng yabang, nakarma sa asawa! | Barangay Love Stories

Apr 18, 2024
Barangay Love Stories

Aired: January 18, 2020 Alang-alang sa pag-ibig ni Daisy kay Jomary ay iniwan niya ang kanyang mga kapatid para makipag-isang dibdib sa lalaking ito. Habang tumatagal ang kanilang pagsasama ay napapansin niyang pilit siyang pinalalayo ng kanyang mister sa mga kapatid niya kasabay na rin ng paglabas ng tunay na ugali nito. Makayanan kaya ni Daisy na tiisin ang hirap sa piling ni Jomary? #BLSKapatidvsAsawa #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


Real Estate Agent, nakipagchat gamit ang pangalan ng katrabaho | Barangay Love Stories

Apr 12, 2024
Barangay Love Stories

Aired: June 19, 2023 Minsan, mapaglaro ang tadhana at maaaring umibig ka nang hindi sinasadya. At baka lumigaya ka pa sa taong hindi mo inaakala. #BLSNagkataon #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


Old friends, nag-set up para magkalapit ang kanilang mga anak | Barangay Love Stories

Apr 5, 2024
Barangay Love Stories

Aired: April 15, 2023 May mga magulang talaga na pinagkakasundo ang kanilang mga anak para masiguro ang maayos nilang pamumuhay. Katulad na lamang ni Aldrin at Charlotte na nais paglapitin ng mga parents nila. Pero imbes na ma-fall sa isa't-isa, nauwi sa pagiging mag-best friend ang dalawa. Pakinggan ang kuwento ni Aldrin sa Barangay Love Stories. #BLSIpinagkasundo #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


Crush ko si Teacher | Barangay Love Stories

Mar 21, 2024
Barangay Love Stories

Aired: January 16, 2023 "Kung malayo ang agwat ng edad isa't-isa, nagiging mali ito sa mata ng mapanghusga. Pero hangga't walang mali at nasa katuwiran, nararapat lang ipaglaban ang tunay na pagmamahalan." #BLSBoundaries #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


JINOWA ni crush pero prank lang?! | Barangay Love Stories

Mar 13, 2024
Barangay Love Stories

Aired: November 21, 2022 "Ang taong umaapaw ang pagmamahal, walang sinasayang na panahon at hindi pinatatagal. Kikilos siya agad at hindi aasa sa dasal, para makamit ang inaasam-asam na kasal." #BLSLadiesFirst #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


Daughter, pilit naghanap ng jowa para sa kanyang mother | Barangay Love Stories

Mar 8, 2024
Barangay Love Stories

Aired: October 20, 2023 "Kung may bagay na sadya mong gagawin, alamin ang tunay na layunin. Tiyakin na ikabubuti rin ito ng iba, hindi yung ikaw lang ang masaya." #BLSHindiSinasadya #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more

advertisement


Frenny, trying hard sa pag-agaw sa fiancé ni bes | Barangay Love Stories

Feb 29, 2024
Barangay Love Stories

Aired: September 9, 2023 Matagal-tagal din ang panahon na hinintay ni Abraham upang mapagbigyan ang sarili niyang kaligayahan. Hindi rin naging madali ang paghahanap niya ng pag-ibig pero tinulungan pa rin siya ng langit nang muli niyang makita ang high school crush niyang si Shane. Nauwi rin sa proposal ang kanilang pagsasama ngunit kung kailan malapit na ang kanilang kasal, saka naman sila pilit sinisira ng taong close sa kanilang dalawa. Pakinggan ang kwento ni Abraham sa Barangay Love Stories. #BLSEbidensya #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


FIRST LOVE ni jowa, muling nagpakita bago ang kasal | Barangay Love Stories

Feb 15, 2024
Barangay Love Stories

Aired: August 19, 2023 Isang desisyon ang pagmamahal. Hindi ito magtatagal kung ibabase lang ito sa pakiramdam. Nang hindi na muling magparamdam ang first love ni Israel, nag-decide siyang pakawalan ito at ibaling ang atensyon niya sa taong matagal na siyang gusto. 'Di kalaunan'y, natutunan niya ring mahalin si Rose at nakabuo sila ng isang simple at masayang pamilya. Pakinggan ang kuwento ni Israel sa Barangay Love Stories. #BLSMakapilingKa #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


Binatang nagsauli ng pitaka, nagantimpalaan ng pag-ibig | Barangay Love Stories

Feb 9, 2024
Barangay Love Stories

Aired: April 14, 2023 "Ang pag-ibig sa unang tingin ay mahirap sukatin. At kung umabot sa altar ang inyong sumpaan, tapat at tunay ang inyong nararamdaman." #BLSMulingNakita #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


SUGAROL na byenan, inalipin ang manugang | Barangay Love Stories

Feb 1, 2024
Barangay Love Stories

Aired: Nov 12, 2022 Hindi panganay si Nel pero dahil na sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya, napilitan siyang kumayod nang maaga para matustusan ang pangangailangan nilang lahat. Kaya nang maging mag-asawa sila ni Marie, ang pamilya pa rin ni Nel ang laging nauuna. At dahil hindi pa magawang bumukod ng mag-asawa, kahit sumusobra na, sinusunod pa rin ni Marie ang biyenan niya at ang mapang-api niyang bilas. Pakinggan ang kwento ni Marie sa Barangay Love Stories. #BLSObligasyon #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


BAKASYONISTANG heartbroken, NALIGAW sa kanyang healing trip | Barangay Love Stories

Jan 25, 2024
Barangay Love Stories

Aired: October 21, 2023 Masakit mabigo sa pag-ibig pero sinubukan pa rin ni Riyan na bigyan ng second chance ang sarili niyang magmahal muli at mahalin din ni Aries. Pero takot talaga si Riyan na maiwan ulit lalo pa't hindi niya masabi-sabi kay Aries na hirap siyang makabuo ng bata. Pakinggan ang kuwento ni Riyan sa Barangay Love Stories.Stories. #BLSRegalo #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


Bisor, gustong ligawan ng matinong lalaki pero 'di niya bet | Barangay Love Stories

Jan 19, 2024
Barangay Love Stories

Aired: June 24, 2023 Pagdating sa pag-ibig, mas gusto ng iba 'yung tipong sa simula pa lang may spark na. Katulad ni Laine, kahit matagal nang gusto manligaw ni Manuel - isang mabait, matipuno, mapagkakatiwalaan na lalaki, at financially stable pa, ay never itong binigyan ng chance ni Laine. Pakinggan ang kuwento ni Laine sa Barangay Love Stories. #BLSHulingTibok #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


Ms. BAGOONG perfect match ba kay Mr. MANGGA? | Barangay Love Stories

Jan 12, 2024
Barangay Love Stories

Aired: June 12, 2023 Walang sinuman ang magdidikta kung sino ang gusto mong makasama. Basta't pag-isipan at pusuan mo nang tama para makilala ang sayo'y nakatadhana. #BLSTamangPares #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


Kababata, ginawang PAMBAYAD ang best friend niya | Barangay Love Stories

Jan 5, 2024
Barangay Love Stories

Aired: March 18, 2023 Wala nga ba talagang choice ang iba kaya nasasaktan nila ang taong malapit sa kanila? Nang ligawan ni Radge si Mylene, hindi agad siya sinagot ng dalaga pero nagsisi si Mylene nang malaman niyang may nililigawan nang iba si Radge. Pero babalik ang binata nang malaman niyang nabuntis si Mylene matapos itong mapagsamantalahan. Pakinggan ang kuwento ni Mylene sa Barangay Love Stories. #BLSHugasKamay #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


Try lang sana pero na-in love nang totoo si BFF | Barangay Love Stories

Dec 28, 2023
Barangay Love Stories

Aired: April 12, 2023 Dalawa ang pwedeng kalabasan 'pag sinubukang magmahal ng kaibigan - maaaring mag-work ang relasyon dahil kayo'y komportable o masira ang samahan dahil 'di talaga kayo puwede. #BLSTryLang #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more


MAHAL KITA Pero Secret Natin 'Yan Muna | Barangay Love Stories

Dec 21, 2023
Barangay Love Stories

Aired: February 18, 2023 Ang tunay na pag-ibig ay hindi nakatali sa opinyon ng iba. Dahil kung mahal mo ang isang tao, ipagsisigawan mo anuman ang sabihin nila. Matatawag pa rin bang 'Love Wins' kung isa sa kanila ay nagtatago ng isang malaking sikreto? Pakinggan ang kuwento ni Julian sa Barangay Love Stories. #BLSLoveLetter #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more