Connie Sison, nakatanggap ng award sa PHA Media Awards 2024 | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ginawaran ng parangal ng Philippine Heart Association at Philippine College of Cardiology si award-winning DZBB anchor Connie Sison.

Connie Sison, nakatanggap ng award sa PHA Media Awards 2024

By AEDRIANNE ACAR

Nakatanggap ng maagang regalo ngayong Pasko ang multi-awarded radio host na si Connie Sison sa katatapos na PHA Media Awards 2024 na idinaos sa Marquee Tent sa EDSA Shangri-La Hotel, Mandaluyong City.

Kinilala ng Philippine Heart Association at Philippine College of Cardiology si Connie na host ng Pinoy MD Sa Dobol B.

Nakatanggap din ng parangal ang executive producer ng Pinoy MD na si Mackay Quadra.

Sa Facebook post ni Connie, nagpasalamat ito sa lahat ng bumubuo ng PHA Media Awards at patuloy daw ang kanilang programa sa pag-eeducate sa kanilang listeners sa pangangalaga ng kanilang kalusugan at magbabala sa tumataas na kaso ng heart-related ailments sa Pilipinas.

“Taos pusong pasasalamat sa bumubuo ng Philippine Heart Association at Philippine College of Cardiology sa parangal na ito.  Kaisa niyo ako, sampu ng mga bumubuo ng Pinoy MD sa @dzbb594 sa pagsusulong ng adbokasiya at pagiging boses sa pagpapaalala sa ating mga kababayan ukol sa pangangalaga ng ating kalusugan, lalo na ng ating puso sa gitna ng dumaraming kaso ng heart related diseases ngayon sa bansa.

Dagdag ng seasoned DZBB host, “Binabalik ko ang parangal na ito sa ating Panginoon. Congratulations sa lahat ng mga nanalo. Lalo na sa aking Executive Producer Mackay Vendiola Quadra at mga kasamahan sa GMA News Online.”

Noong nakaraang Agosto, nauwi rin ni Connie Sison ang award for Best Radio News Program Host sa PMAP Makatao Awards.