Connie Sison, inialay ang award sa 2024 PMAP Makatao Awards kay Mike Enriquez | GMANetwork.com - Radio - Articles

Seasoned radio broadcaster na si Connie Sison, inalala ang kontribusyon ng late GMA Integrated News pillar na si Mike Enriquez sa kaniyang career.

Connie Sison, inialay ang award sa 2024 PMAP Makatao Awards kay Mike Enriquez

By JAMES ABAN

Ang paglaban sa talamak na fake news ang pangako ni Connie Sison nang tanggapin niya ang kanyang award bilang Best Radio News Program Host ng PMAP Makatao Awards, na ginanap noong August 28, 2024 sa Hilton Manila.
 
"I would like to thank sa lahat ng bumubuo ng PMAP Makatao Awards, thank you sa award na ito at sa tiwala, because every time I received an award I always see to it na binibigyan ako ng tiwala. Susubukan ko sa buong buhay ko na nandito ako sa industriyang ito na siyempre pangalagaan ang tiwalang iyon sa pag-fight ng fake news.

"Panata na natin na palabasin ang katotohanan at all times sa lahat ng komentaryong ginagawa at sa lahat ng balita na binabalita," mensahe ni Connie.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Connie Sison (@connie_sison)

Inalala rin ni Connie ang tulong ni Mike Enriquez para maging co-host ni Arnold "Igan" Clavio sa programang One on One Walang Personalan.

Si Mike ang naging tulay kay Connie para mapabilang siya sa nangungunang AM radio station sa Mega Manila, ang Super Radyo DZBB.

Ang natanggap niyang pagkilala sa Makatao Awards ay inialay niya sa namayapang si Mike Enriquez, na ginugunita ngayon ang kanyang first death anniversary, August 29, 2024.

"Speaking of tiwala, si Sir Mike Enriquez, siya ang nagbigay sa akin ng unang una ng opportunity to be part of dynamic family of DZBB. Thank you Sir Mike talaga.

"Miss na miss namin si Sir Mike. Kung nandidito siya sigurado may makukuha akong text, magbibigay ng word of encouragement, parating ganun.

‘Nagpapasalamat din ako sa PMAP because you gave me this gift to dedicate to him because tomorrow would be his death anniversary, so I offer this to Sir Mike," pangwakas na acceptance speech ni Connie.

Binibigyan ng pagkilala ng PMAP Makatao Awards ang mga miyembro ng mass media para sa kanilang namumukod-tanging kontribusyon sa pagpapaintindi sa publiko ng responsibilidad at impact ng good people management.