GMA Integrated News pillar Arnold Clavio, inalala ang kanyang tatay | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kumusta kaya ang lagay ni award-winning GMA Integrated News anchor Arnold Clavio matapos makumpirma na nagkaroon siya ng hemorrhagic stroke?

GMA Integrated News pillar Arnold Clavio, inalala ang kanyang tatay

By AEDRIANNE ACAR

Makabuluhan ang paggunita ng Father’s Day ng seasoned TV and radio broadcaster na si Arnold Clavio noong Linggo, June 16.

Matatandaang noong June 11, ibinahagi ng GMA Integrated News pillar na na-diagnose siya ng hemorrhagic stroke matapos makaramdam ng pamamanhid sa kanang braso at binti habang nagda-drive.

Galing si Igan noon sa Eastridge Golf Course sa Angono, Rizal.

Sa Instagram post ng award-winning Kapuso news personality, sinabi nito na naniniwala siya na ginabayan siya ng kanyang ama sa mga oras na iyon.

Post ni Arnold, “Dad , happy father’s day.

“Salamat sa paggabay sa oras na ako ay nasa bingit ng kapahamakan. Alam kong hindi mo ako pinabayaan . Maraming salamat. Miss kita!”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan)

Samantala, may panibagong health update si Igan noong Sabado, June 15, kung saan tinalakay niya na bumubuti na ang kanyang pakiramdam at siya ay “out of danger” na.

Dagdag pa ng Unang Hirit host na kailangan niyang sumailalim sa therapy at rehabilitation.

“Good news , I am out of danger. Sabi nga ni Doc, “no more worries. The worst is over! You're a lucky man!” Ang kailangang gawin na lang ay mapababa pa ang aking BP at sugar level,” balita ni Arnold.

Pagpapatuloy niya, “Day 2 nang una akong makaupo. Pero sandali lang dahil hilo pa ako.

“Mahaba pa ang laban na ito. Ang laking pagbabago sa buhay ko habang nasa ASU. Bawal pa akong tumayo kaya kailangan ko na mag-adult diaper. Di ako komportable kaya inabot pa ng tatlong araw bago ako naka-pupu.

“Para rin akong sanggol na nililinisan at hinihilamusan araw-araw para maging presko ang pakiramdam .

“At may bago pala akong kaibigan - si insulin!

“Abangan ang pag-graduate ko sa ASU at simula ng akong therapy at rehabilitation. At sana ang aking kuwento ay makapagligtas ng maraming buhay.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan)

RELATED CONTENT: TIGNAN ANG ILAN SA MGA CELEBRITIES NA NA-OSPITAL NOONG 2023