DZBB reporter Luisito Santos, kinilala ng Motorcycle Philippine Federation | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nakatanggap ng plaque of recognition mula sa Motorcycle Philippine Federation ang easoned DZBB reporter na Luisito Santos.

DZBB reporter Luisito Santos, kinilala ng Motorcycle Philippine Federation

By JAMES ABAN

Binigyan ng pagkilala ng Motorcycle Philippine Federation ang ilang mamamahayag dahil sa pagsusulong ng road safety awareness sa bansa.

Ginawaran ng Plaque of Recognition bilang Motorcycle Road Safety Warrior ang Super Radyo reporter na si Luisito Santos sa ginanap na event sa Antipolo City noong Mayo 19.

 

 

 

 

Ayon kay Atoy Sta. Cruz, presidente ng Motorcycle Philippine Federation, kanilang kinikilala ang mahalagang kontribusyon ng media sa pagsusulong ng motorcycle road safety.

Ang pagkilala ay isinabay ng grupo sa paggunita ng Road Safety Month na isinasagawa tuwing buwan ng Mayo.