Mga programa ng Super Radyo DZBB, binigyang-pagkilala ng Philippine Coast Guard dahil sa makatotohanang pagbabalita
April 25 2024
Kinilala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Super Radyo DZBB sa paghahatid ng mga balita.
Partikular na kinilala sa Coast Guard Public Affairs Service Award 2024 ang mga programa ng DZBB sa makatotohanan nitong pagbabalita.
Iginawad ng PCG ang plaque of recognition sa mga programang 'Super Balita' at 'Umaga Na, Balita Na', kasabay ng kanilang pagdiriwang sa ika-14 na anibersaryo ng Coast Guard Public Affairs.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Rear Admiral Armand Balilo, kinikilala nila ang kanilang mga media partners dahil sa pagbibigay ng mga tamang impormasyon sa publiko, lalo na sa usapin ng West Philippine Sea.
Gayundin ang mahalagang papel ng media sa paglalathala ng mga environmental concerns at mga safety protocol tuwing masama ang panahon
Kinikilala rin ng Philippine Coast Guard ang kahalagahan ng media sa gitna ng mga nangyayari sa information space, lalo na sa lumalaganap na fake news kung saan ang media ang paraan nila para maipaabot sa publiko ang mga tamang impormasyon.
Comments
comments powered by Disqus