Papa Dudut, may kambal na! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kumusta na ang lagay ng fraternal twins ni Papa Dudut?

Papa Dudut, may kambal na!

By JAMES ABAN

Umaapaw ang biyaya para sa award-winning DJ ng Barangay LS na si Papa Dudut.

Bukod kasi sa kanyang namamayagpag na career bilang disc jockey at kaliwa’t kanang mga negosyo, isang napakagandang regalo ang kanyang natanggap dahil si Papa Dudut ay isa nang literal na matatawag na Papa!

Masayang ibinalita ni Papa Dudut sa isang ekslusibo report ng GMA News Online na noong April 2, 2024, 10:25 a.m., isinilang na ng kanyang partner na si Jenymae Angeles ang kanilang kambal sa St. Luke’s Medical Center.

Ang kanilang anghel na kambal ay pinangalanang Reign Jiana A. Ricafrente at Renz Jian A. Ricafrente, isang lalaki at isang babae o fraternal twins.

Ayon kay Papa Dudut, 32 weeks ngang dinala sa sinapupunan ng kanyang partner ang kanilang kambal, napaaga ito ng 11 na araw.

“Sobrang saya.. sabi ng kapatid ko na nurse and pharmacist, “Kuya baka mawalan ka ng malay kapag pumasok ka sa operating room”

“Well hindi sya nangyari sobrang gising ang diwa ko.. habang under CS si Jem.. more of excitement and kinakabahan ako for the safety of Jem and our two babies bilang preterm birth sila. Pero upon seeing how her doctors Dr. Ireene Cacas David and Dr. Heidy G. Dy-Fernandez and St Lukes manage the situation nawala na nerbyos ko’, masayang pagsambit ng bagong proud Papa na si Papa Dudut.

Labis naman ang pasasalamat ni Papa Dudut sa Panginoong Diyos at sa kanilang pamilya at mga kaibigan.

‘All good ang aming mga warrior twins na nagpapalakas ngayon sa incubators. Salamat kay Lord sa aming family and friends… at sa mga nurses and doctors na nagaalaga sa aking pamilya’

 

 

‘To my Barangay LS FM Family dahil supportive sila sa aking work from home set up pero babalik agad ako sa live abangan… Kapag nakalabas na mga babies sa incubators ay magbakasyon lang ako ng mabilis. Pero sigurado fresh episodes pa rin ang Barangay Love Stories dahil sa work from home naman si ako," pagtatapos ni Papa Dudut sa ating ekslusibong panayam.