Walang iwanan sa 'Sumasapuso'; bawat episode, mas pagagandahin pa
March 27 2024
Labis ang pasasalamat ni Toni Aquino sa mga Kapuso listeners dahil araw-araw siyang sinasamahan tuwing tanghali sa pamamagitan ng kanyang mga kuwentong may kurot sa puso sa programang Sumasapuso, kasama si Toni Aquino.
Bukod kasi sa mataas na rating ng programa ay hindi maipagkakaila na kaliwa’t kanan ang natatanggap nitong pagkilala.
Kaya naman sa ikalawang taon ng programa ay mga DZBB anchor muli ang bumida sa isang napakagandang kuwento na isinulat ni Jonathan Mendoza, heto ang handog ng programa para sa 2nd anniversary.
Kumasa nga sina Igan (Arnold Clavio), Connie Sison, Lala Roque, Orly Trinidad, Rowena Salvacion at Weng dela Peña sa isang nakakakilig, nakakainis, nakakagalit na madramang dramahan sa radyo.
Narito ang ilang behind the scenes habang inirerekord ang naturang episode ng Sumasapuso.
@dzbb DZBB anchors, sumabak sa dramahan sa radio para sa anniversary special ng "Sumasapuso;" Behind-the-scene videos, panoorin. #socialnews #tiktoknews #tiktoknewsph #socialnewsph #fyp? #fyp #dzbb594 #dzbb #newsph #tiktokphilippines ? original sound - Super Radyo dzBB 594 kHz
Nangako naman si Toni na mas pagagandahin pa ang bawat episode ng kanyang programa, sa katunayan tuwing Biyernes ay may iba itong produksyon na tumututok sa mas bago at mas inspiring, mas nakakakilig at mas nakakainis na kuwentong kukurot sa puso ng ating mga kapuso.
“Mga Kapuso, dalawang taon na ang programang ito, pangako namin sa inyo na mas pagagandahin pa namin ang bawat episode na mapapakinggan niyo"
“Muli, maraming maraming salamat dahil hinahayaan niyo kaming maging bahagi ng inyong araw araw na buhay”
“Nandito lang ang Sumasapuso hanggang gusto niyo”, pagtatapos ni Toni.
Ang Sumasapuso ay napapakinggan tuwing Lunes-Biyernes, 12:30PM -2:30PM at tuwing weekend naman sa oras na 12:00NN- 3:00PM, maaaring making sa inyong mga radyo, sa GMA News App at sa www.gmanetwork.com/radio/streaming.
Comments
comments powered by Disqus