DZBB, ginawaran ng Wind Vane Award ng PAGASA
March 27 2024
Ginawaran ng 2023 Wind Vane Award ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Super Radyo DZBB dahil sa napakahalagang kontribusyon nito sa paghahatid ng makabuluhang ulat-panahon.
Pinangunahan ni PAGASA Administrator Dr. Nathaniel Servando ang paggawad sa parangal sa ginanap na 2023 Gawad PAGASA Awards noong March 22.
Tinanggap naman ni Allan Gatus ang award sa ngalan ng bumubuo sa Super Radyo DZBB.
Bukod sa DZBB, ginawaran din ng PAGASA ng Wind Vane Award ang programang Balitanghali, na tinanggap ni Connie Sison.
Ilang indibidwal at organisasyon din ang binigyan ng pagkilala ng PAGASA.
Ang Wind Vane Award ay pagkilalang ibinibigay sa mga indibidwal, lokal na pamahalaan, at mga organisasyon na may malaking ambag sa pagsisikap na maibsan ang epekto ng disaster at climate risk, at makapaghatid ng makabuluhang abiso at ulat-panahon sa publiko.
Comments
comments powered by Disqus