Joel Reyes Zobel, may bagong milestone this 2024 | GMANetwork.com - Radio - Articles

Award-winning Kapuso radio anchor Joel Reyes Zobel, binigyan ng bituin sa 18th edition ng Eastwood City Walk of Fame.

Joel Reyes Zobel, may bagong milestone this 2024

By AEDRIANNE ACAR

Hindi makalilimutan ng award-winning Super Radyo DZBB anchor Joel Reyes Zobel ang bago niyang milestone matapos mabigyan ng sarili niyang bituin sa 18th edition ng Eastwood City Walk of Fame.

Kabilang ang highly-respected radio broadcaster sa ilan mga Kapuso personalities na ngayon ay may bituin na rin tulad ni GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon.

Kasama din sina 2023 Miss Universe Philippines Michelle Dee, 'Abot-Kamay na Pangarap' actor Richard Yap, 'Pulang Araw' actres, Sanya Lopez, Sparkle GMA Artist Center consultant Johnny Manahan at GMA Integrated News reporter na si Lhar Santiago.

 

 

Sa panayam ng Saksi, sinabi ni GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes na proud siya sa natanggap na pagkilala ng mga fellow Kapuso.

Aniya, “Congratulations to everyone and sana maging inspirasyon kayo sa lahat ng tao sa industriya.”