Barangay LS at Super Radyo DZBB, humakot ng parangal sa 45th Catholic Mass Media Awards | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ang mga programa nina Papa Dudut at Toni Aquino ay nakakuha ng parangal sa idinaos na Catholic Mass Media Awards.

Barangay LS at Super Radyo DZBB, humakot ng parangal sa 45th Catholic Mass Media Awards

By AEDRIANNE ACAR

Big winner ang mga programa ng Super Radyo DZBB at number one FM station na Barangay LS Forever sa 45th Catholic Mass Media Awards o CMMA.

Ang radio program ng award-winning disk jock na si Papa Dudut na Barangay Love Stories ay nakapag-uwi ng Special Citation sa award-giving body.

Nito lamang Oktubre, pinarangalan din si Dudut bilang Best Male Radio DJ of the Year sa Philippine Choice Awards.

 

 

Ilang programa din ng DZBB ang kinilala ng CMMA. Ang show ni Toni Aquino na Sumasapuso ay itinanghal na Best Drama Program.

May award din ang duo nina Weng Salvacion at Weng dela Peña matapos masungkit ng programa nila na ang Dobol Weng sa Dobol B ang tropeo sa Best News Commentary category.

Nakatanggap naman ng Special Citation ang DZBB Super Serbisyo: Trabaho at Negosyo nina Norilyn Temblor at Tootie.

 

 

 

 

 

 

Balikan ang pre-announcement ng winners sa video na ITO:

 

Congratulations sa lahat ng bumubuo ng Super Radyo DZBB at Barangay LS!