DZBB anchors, bibida sa anniversary episode ng 'Sumasapuso'
March 28 2023
Pagdating sa pagbabalita at maaanghang na komentaryo ay talaga namang mapagkakatiwalaan ang award-winning dzBB anchors.
Wala silang inuurungan at laging palaban, at para sa isang epsesyal na episode ng programang Sumasapuso kasama si Toni Aquino ang mga boses sa pagbabalita ay sila naman ang bibida at masusubukan ang galing nila sa pag-arte sa radyo.
Ayon sa host ng Sumasapuso na si Toni Aquino, pinaghandaan ng husto ang episode para sa unang anibersaryo ng programa.
“When I thought about it two months ago, una kong naisip parang napaka-ambisyosa ko. But I took the chance of asking my dzBB co-anchors if they will be willing to do this for me. And they all said yes, walang humindi sa akin.
And when they all said yes, dun ko inumpisahang trabahuhin ang special episode na ito”, kuwento ni Toni.
Pati ang istorya ay binusisi ng maigi sa pangunguna ni GMA News writer Jonathan Mendoza.
"Ang una naming ginawa is to choose the best story that we can feature.
"Kinausap ko ang writer ko na si Jonathan Mendoza, who's also with GMA news... para pag-usapan namin kung paano pa namin mapapaganda ang kwento ng ating kapuso.
"When the script was done, ang naging next challenge ay kung paano mapagtatagpo ang schedule ng dzBB anchors to record the drama.
"And again, I did not have a hard time talking to all of them. They really took the time to free their schedules just to accommodate the recording. Love nila ako’
Ang mga gaganap sa espesyal na episode ng Sumasapuso ay ang primetime anchors ng dzBB na sina Arnold Clavio, Joel Reyes Zobel, Susan Enriquez, Rowena Salvacion, Kathy San Gabriel, Rene Sta Cruz, Orly Trinidad, Norilyn Temblor, Ralph Obina, Mega. Maging ang mga respetadong abogado na sina Atty. Rowie Daroy at Atty. Romy Macalintal ay game din sa dramahan.
At ang tsika pa, mga Kapuso, ay may isang TV personality na dapat mong malaman at abangan dahil mayroon din siyang espesyal na partisipasyon sa episode na ito ng Sumasapuso, kaya ano na, pakinggan ang dalawang araw na pagtatanghal ng anniversary episode ng programa na may titulong Huling Biyahe sa March 29 at March 30 sa oras na 12:30PM- 2:00PM.
Ang lahat ng programa ng Super Radyo dzBB ay mapapakingan sa inyong mga radyo, sa GMA News application at via www.gmanetwork.com/radio/streaming
Samantala, marami pa raw ang aabangan sa programang Sumasapuso. Kaya naman labis ang pasasalamat nI Toni dahil sa loob ng isang taon, bukod sa mataas ang rating nito, ay nabigyan na rin ng pagkilala ang Sumasapuso sa Catholic Mass Media Awards o CMMA noong nakalipas na taon.
“Mas magaganda at makabuluhang mga kwento ng puso ang pangako naming ihahatid sa ating mga tagasubaybay.
"Mga kuwentong hindi lamang pang-entertainment pero paniguradong kapupulutan ng mga aral at inspirasyon’
"Araw-araw kong ipinagpapasalamat that I am blessed to have a job that I really love doing.
"And double the happiness dahil sa mga mensaheng natatanggap namin kung paano niyong nagugustuhan ang mga episode ng sumasapuso.
"Lalo po kaming ginaganahan na mas pagandahin pa ang ating programa! Mula po sa kinikilig kong puso, maraming maraming Salamat”
Comments
comments powered by Disqus