Drama program ng DZBB at Barangay LS, wagi bilang Best Entertainment Program sa 44th Catholic Mass Media Awards
November 25 2022
Abot langit ang tuwa ng bagong DZBB radio anchor na si Toni Aquino dahil sa natanggap niyang parangal sa katatapos lamang na 44th Catholic Mass Media Awards.
Ang walong buwan pa lang na programang Sumasapuso kasama si Toni Aquino ay nabigyan agad ng citation para sa kategoryang Best Entertainment Program.
Kahit bago pa lang ang Sumasapuso ay marami na ang nahuhumaling sa mga drama at musikang itinatampok dito. Sa katunayan hindi na lang Lunes hanggang Biyernes napapakinggan ang programa dahil may replay na rin ito tuwing Sabado at Linggo, kasabay ng pananghalian.
Ayon kay Toni, "Sumasapusong pasasalamat, The Catholic Mass Media Awards! What a wonderful recognition for our 8-month old radio program."
Sa isang panayam, magsisilbing inspirasyon ang natanggap niyang award para makapagbahagi pa ng mga kuwentong punung-puno ng aral at mga istoryang may puso. …."Sumasapusong pasasalamat po sa bumubuo ng CMMA for the recognition. Walong buwan pa lamang po ang ating programa, pero nabigyang pansin na. I'm exceedingly grateful! This award serves as our motivation to continue do our best to creatively present the stories of our Kapuso. Mga kwento ng puso na puno ng aral at inspirasyon."
Sa kaparehas na kategorya, Ang Barangay Love Stories (BLS) ni Papa Dudut ang pinarangalan bilang Best Entertainment Program.
Ilang parangal na rin ang natanggap ng Barangay Love Stories mula sa iba’t-ibang award-giving bodies, pero umaapaw ngayon ang kasiyahan ng award-winning DJ ng Barangay LS Forever dahil heto ang kauna-unahang award ng programa sa CMMA.
Sa ekslusibong panayam kay Papa Dudut, makakaasa raw ang mga sumusubaybay sa BLS ng mas marami pang inspiring stories na kapupulutan ng mga magagandang aral ang ibabahagi biya sa ating mga ka-barangay….. "I'm ecstatic and overjoyed because this is my first time to receive a CMMA recognition. Thank you so much on behalf of Barangay Love Stories Team, we will do everything in our power to provide listeners with inspiring and wonderful content.
"Makakaasa po kayo na mas marami kayong aral na mapupulot mula sa aming dekalidad na programa. Ang award na ito ay inaalay namin sa inyo mga kapuso! Salamat CMMA."
Ang back-to-back win ng DZBB at Barangay LS bilang best Entertainment Program ay patunay lamang na marami ang nahuhumaling sa mga drama na hatid ng GMA Radio, dahil maging ang kanilang ratings ay namamayapag din buwan-buwan.
Congratulations Sumasapuso at Barangay Love Stories!
Comments
comments powered by Disqus