DZBB reporters, bumigay ang mga sapatos sa araw ng SONA
July 26 2022
Tinutukan at binantayan ng number AM radio station sa Mega Manila na Super Radyo DZBB ang kauna-unahang SONA ni Pang. Bongbong Marcos kahapon, July 25, 2022.
Kaya naman ang DZBB Reporters ay buong-pusong nagbantay para maihatid ang mga pinakamaiinit na kaganapan sa SONA.
Kung sa Batasang Pambansa ay inirampa ang mga naggagandahang kasuotan ng mga bisita, ang ilang DZBB reporters naman ay ipinakita sa kanilang social media ang mga hindi sinasadyang kaganapan, katulad ng pagkasira ng kanilang sapatos habang nasa kasagsagan ng coverage.
Ang two-time Gandingan Awardee na si Mark Makalalad, suot-suot ang kanyang pangmalakasang sapatos na sinubok na ng ilang news coverage. Pero sa SONA lang pala ito bumigay habang nakabantay sa mga raliyista sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Dumaan sa super typhoon, landslide, baha, lindol, pagputok ng bulkan at marami pang iba, sa SONA lang pala masisira.’, ayon sa tweet ni Mark.
Dumaan sa super typhoon, landslide, baha, lindol, pagputok ng bulkan at marami pang iba, sa SONA lang pala masisira. ???? pic.twitter.com/cANK5fsQxs
— Mark Makalalad (@MMakalalad) July 25, 2022
Isa sa mga hindi raw makalilimutang news coverage ni DZBB Congress beat reporter Isa Avendaño-Umali ang unang SONA ni Pang. Bongbong Marcos.
Bumigay rin kasi ang kanyang suot na sapatos habang nag-aabang ng mga bisita na dadaan sa red carpet ng Batasang Pambansa.
Ayon sa Tweet ni Isa, ‘Naka-survive sa SONA coverage na may nasirang shoes. Hahaha! Salamat Ate @wengsalvacion sa Mighty Bond. Hindi lang talaga kinaya ng shoes.
Naka-survive sa SONA coverage na may nasirang shoes. Hahaha! Salamat Ate @wengsalvacion sa Mighty Bond. Hindi lang talaga kinaya ng shoes. ???????????? pic.twitter.com/ML1gqFXg3m
— Isa Avendaño-Umali (@Isa_Umali) July 25, 2022
Sa isa pang larawan ni Isa, makikitang inaayos ng kanyang asawa, na isa ring miyembro ng media, ang nasira niyang sapatos habang sila ay naka-standby sa loob ng Batasang Pambansa.
Patunay lamang na kahit may kaunting aberya ay patuloy na maghahatid ng mga balita ang buong puwersa ng Super Radyo dzBB, sabi nga ng kanilang slogan.... Walang Iwanan!
SAMANTALA, TINGNAN ILANG CELEBRITIES NA NAKARANAS NG WARDROBE MALFUNCTION SA GALLERY NA ITO:
Comments
comments powered by Disqus