Richard Enriquez on being a Kapuso: "I am humbled"
June 27 2022
Mas lalong lumakas at kaabang-abang ang Super Radyo DZBB with the addition of their new host sa kanilang multi-talented team na si Richard Enriquez na nakilala rin bilang si DJ Richard Steele.
Simula ngayong Lunes, June 27, makakasama at mapapakinggan na natin siya mga Kapuso at Kabarangay sa Golden Memories mula 12 a.m. to 3 a.m., Monday to Friday.
Beterano na si Mr. Richard sa larangan ng broadcast industry, dahil 38 taon na siya nasa industriya.
Sa eksklusibong panayam niya sa GMANetwork.com, binalikan niya noon ang first big break niya bilang isang disk jock.
Kuwento niya, “I practically tried copying the style and voice of my favorite DJ way back.
“After a few months natisod ko while walking along Edsa going JASMS. May radio station sa Maligaya Bldg 2 na naghahanap ng DJ, nung natanong sa guwardiya, sabi niya, 'Pasok ka kung gusto mo.'
“FM Station ng Eagle Broadcasting Corp. DWDM FM 95.5 I auditioned and kinaawaan na nagustuhan nila ako. That was my biggest break ever. I was so happy to join them that time. 1985 till 2002.”
Sa mahigit tatlong dekada niya bilang radio host, ilan sa memorable moments niya nang makapanayam niya si Barry Manilow ng magkaroon ito ng concert noong 1992 sa Pilipinas.
Bago siya napasama bilang isa sa mga radio host ng DZBB, napapakinggan siya noon sa DZMM TeleRadyo.
Kaya naman itinuturing na isang “humbling” experience na ngayon ay ganap na siyang Kapuso.
Saad niya, “I’m very grateful, very happy and thankful to be a Kapuso. Nervous too na mapatunayan ko at matumbasan ko ang pagtitiwala ng management.”
“Naramdaman ko po ang mainit at magandang pagtanggap po ng mga Kapuso. Maraming salamat, I am humbled.”
Kumusta ang adjustment ngayong kasama ka na siya sa award-winning team ng Super Radyo DZBB?
Pagbabahagi ni DJ Enriquez, “Araw-araw na naka-monitor sa DZBB parang immersion ko na.
“Feel mo pagiging Kapuso, two months straight up nakikinig at nagpapapraktis makuha tunog DZBB style po. I hope magawa ko nang maayos at mabuti ang pagsasahimpapawid."
Pagbibida pa ni Richard Enriquez na kayo mga Kapuso ang bida sa kaniyang program na Golden Memories.
Aniya, “Makakaasa po kayo sa simple nating paraan ay mabigyan po kayo ng kaaliwan sa mga nag-gagandahang lumang awitin.
“ [I] will play the Best Of Best Oldies. ‘Yung makakanta, masasabayan po n’yo habang ayaw kayong dalawin ng antok.
“ [I] will try to accommodate your song request and shout-outs, too. Kayo po ang bida mga Kapuso. Samahan pa ng mga impormasyon, reports at balita. Tapat na kasama n’yo araw-araw sa hatingabi.”
Mapapa-throwback kayo sa pakikinig kay Richard Enriquez sa kaniyang programa Golden Memories, Monday to Friday tuwing hatinggabi hanggang alas-tres ng madaling araw.
Comments
comments powered by Disqus