GMA News pillar Mike Enriquez admits he wanted to become a priest
June 03 2022
Sino ang mag-aakala na ang multi-awarded Kapuso TV and radio personality na si Mike Enriquez ay minsan na ring pinangarap maging isang pari?
Sa guesting ng GMA News Pillar sa podcast ni Pia Arcangel na Surprise Guest, ibinahagi ni MIke kung bakit niya naisipan maging pari.
Kuwento niya kay Pia, ito ay dahil sa impluwensiya ng kanyang yumaong ama na isang devout Catholic.
Pagbabalik-tanaw ni Mike, “Natutunan ko ito sa late father ko, taong simbahan ‘yun e. Lay minister, naging president nung choir sa parish namin, etcetera, etcetera.
“Ang sabi niya, ang buhay ng tao parang circle. Sa umpisa, malapit ka sa Diyos, habang umuusad ang buhay mo, circle, lumalayo ka dito sa pinanggalingan mo.
“Ngayon, pag tumatanda ka na, bumabalik ka uli sa Diyos. ‘Yun ang analogy niya sa buhay ng tao, kaya nung bata ako, gusto ko maging pari.
“Actually, ngayong kung tatanungin mo ako, I wouldn’t mind being a priest up to now.”
Hirit ni Pia, “Baka si Tita Baby will mind? [laughs]”
Tugon agad ng Kapuso broadcaster, “She will, kaya nga hindi ako puwede.”
Namulat din si Mike Enriquez sa buhay sa seminaryo noon. Kuwento niya, “Nung nasa seminary ako, natikman ko kasi ‘yung buhay e. So, I’m talking from experience.
“Less than a year, kasi parang open house, e. Mayroon sila nun e, mga interesado puwede magpunta, tapos nakikita nila ‘yung lugar ganun. Ako dapat one week lang, tapos nung patapos na, sabi ko sa parents ko, ‘Ayaw ko na umuwi.’”
Dagdag niya, “That’s true, dahil ang tawag dun dati minor seminary, para sa mga high school lang. Kaso kailangan pipirma ‘yung parents ng consent sheet. Ang ginawa ng parents ko, hindi sila pumirma.”
Paano naman kaya siya nagsimula sa mundo ng radio broadcasting?
Pakinggan ang buong panayam niya sa Surprise Guest podcast dito:
Matatandaang sumailalim sa isang kidney transplant ang respetadong TV and radio broadcaster noong December 2021. Kilalanin ang iba pang personalidad na sumailalim sa kaparehong medical procedure sa gallery na ito:
Comments
comments powered by Disqus