Toni Aquino, masaya sa bago niyang tahanan sa Super Radyo DZBB
April 04 2022
May bagong aabangan sa number one AM station ng bansa, ang Super Radyo dzBB, dahil isang talented radio host ang pinakabagong miyembro ng award-winning team ng Kapuso AM station.
Ito ay walang iba kundi si Toni Aquino, na host ng programang SumasaPuso.
Sa panayam ng GMANetwork.com, sinabi ni Toni na matagal na niya gusto maging bahagi ng DZBB. Inalala rin niya nang tawagan siya noon ni First Vice President for Radio Operations Group Glenn F. Allona
Kuwento niya, "I've been wanting to be a part of the DZBB roster of anchors. So that call from Sir Glenn made it all happen.”
Hindi na bago kay Toni ang mundo ng radio,dahil 28 taon na siyang bahagi ng industriya simula noong nasa kolehiyo pa siya at naging student jock sa Pinoy Radio DM 95.5.
Madali rin daw ang naging adjustment para kay Toni Aquino na mag-host ng isang FM radio program dahil na-experience na niya ito noong siya ay nagta-trabaho sa Kapamilya network.
Pagbabalik-tanaw niya, “I also did AM when I was with ABS-CBN, I was actually doing both (AM and FM). Sa maraming taon ko sa radio, napag-aralan natin ang pangangailangan ng mga nakikinig sa kanilang radio consumption.
“Sa programang SumasaPuso, pinagsama namin ang AM at FM format, music, and drama.”
Ano ang mga dapat abangan ng mga tagapakinig sa SumasaPuso?
“Hatid namin ang mga awitin at kuwentong may kwenta! Sisikapin namin na hindi masasayang ang pakikinig n'yo sa amin tuwing tanghali!”
Tutukan ang SumasaPuso hosted by Toni Aquino mula Lunes hanggang Biyernes sa oras na 12:30NN- 2:30 PM sa Super Radyo DZBB.
Comments
comments powered by Disqus