Connie Sison, piniling mag-isolate matapos ma-expose sa taong may COVID-19
January 10 2022
Ibayong pag-iingat, ito ang mensahe ng Kapuso TV-radio host na si Connie Sison, ngayong tumataas ang kaso ng mga tinatamaan ng nakakahawang sakit na COVID-19.
Ayon sa Instagram post ng DZBB radio anchor na kasalukuyan siyang nag-a-isolate, matapos ma-expose sa isang taong positibo sa coronavirus.
Pahayag ni Connie, “Good Monday Morning!!! On self-isolation after my exposure with some Covid positive peeps.”
Mahirap man ayon sa award-winning Kapuso news personality, alam niya na ito ang mainam na paraan para maprotektahan ang kanyang buong pamilya.
Dagdag niya, “Not used to waking up alone but it’s what’s best to protect my family. I miss them terribly!
“Buti nalang we can facetime and I can write them sweet nothings outside the guestroom door. I still tested NEGATIVE from Covid this morning and I pray it will remain that way.”
Sa sumunod niyang Instagram post, ikinuwento niya ang pag-uusap nila ng kanyang anak na si Max na nangungulila na sa kanya.
Aniya, “My little Max is anxious. Says she wants me to come out na. Explained why I still can’t.
“She sent me the most wonderful drawing of our whole family together with all of our 4 doggos in it. Covid disrupts love and life. But let’s remember that Faith is looking on to God; not our difficulties.
“Keep safe and strong.”
Kahapon, January 9, nakapagtala ang buong bansa ng 28,707 new COVID-19 cases at lumobo na ang total number of cases simula noong 2020 sa mahigit sa 2.96 million na indibidwal.
Samantala ilang kilala rin news personalities ang nag-positibo kamakailan tulad ng GMA News pillar na si Arnold Clavio at Karen Davila.
Comments
comments powered by Disqus