Papa Obet, binalikan nang isulat ang Christmas-inspired song na 'Una Kong Pasko'
December 10 2021
Malalim ang pinanghugutan ng Barangay LS Forever DJ na si Papa Obet nang gawin niya ang kantang “Una Kong Pasko.”
Sa isang panayam para sa promotion ng kanyang GMA Music EP na Papa Obet Sessions, binalikan niya ang kanyang experience noon na naging susi para masulat niya ang single na dini-dedicate rin niya sa overseas Filipino workers.
Pagbabalik-tanaw ni Papa Obet, “Ginawa ko ‘tong song na ito para talaga sa mga OFWs ‘yung song na ‘to at hindi lang ‘yun na-experience ko rin dati kasi noong 2009, first-time ko mag-Pasko na mag-isa. Kaya ginawa ko ‘yung [kanta].”
Dagdag niya, “Storya rin ng buhay ko na may umalis na tao na hindi na bumalik, hanggang ngayon wala. At idinikit ko na rin ‘yung mga OFWs natin na nasa ibang bansa na malayo sa pamilya nila, lalo ngayong pandemic hindi sila nakakauwi.”
Simula ngayong Biyernes, December 10, available na for streaming sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital platforms ang bagong EP ng Kapuso radio host.
Kuwento ni Papa Obet sa Chika Minute reporter na si Aubrey Carampel, hindi niya inaasahan na mababalikan niya ang kanyang singing career, lalo na at established na siya bilang isang disk jock sa Barangay LS Forever.
Saad ng GMA Music talent, “Since 2002, nagdi-DJ na ako, nagre-radio na talaga ako. Sabi nila kapag singer ka daw, kayang kaya mo na rin maging isang radio DJ. So, hindi ko alam talaga [na mangyayari pa ito], akala ko wala na talaga ‘yung singing career ko, na wala ng patutunguhan talaga.”
Pagpapatuloy niya, “Nasa radio na ako at ten years na ako sa GMA. So parang sabi ko sa sarili ko, wala na siguro, hindi na ako makakanta siguro. Hanggang mga covers covers na lang ako, ganyan.
“Ayun sinuwerte tayo at nabigyan ng pagkakataon na maging legit recording artist at ng GMA Music pa.”
Comments
comments powered by Disqus