Kelvin Miranda, inaming may agam-agam noon sa pag-record ng 'Slow Dance'
October 26 2021
Kung napabilib kayo ni Kapuso actor-model Kelvin Miranda sa acting niya sa soap at movies, ngayon ay mapapabilib naman kayo sa kanya bilang singer.
Available na sa iba't-ibang digital platforms ang kanyang debut single under GMA Music na “Slow Dance.”
Sa exclusive interview ni Kelvin sa Sikat with Papa Obet, tinalakay niya kung paano ang naging proseso ng recording ng ballad song na ito.
Kuwento niya sa Barangay LS Forever, “Ito kasi Papa Obet ‘yung Slow Dance, matagal na siya actually nabuo. Ginamit yata siya sa isang pelikula, pero hindi yata masyado nag-in.
“Parang ni-refer sa akin ni sir Paulo Agudelo ‘yung song para ako [raw] ‘yung kumanta. And noong nilapit niya sa akin, in-explain niya sa akin kung ano ‘yung mga consequences, kung ano ‘yung mga dapat namin gawin [o] ibahin ng konti. Binago namin ng konti ito, pero nandiyan na siya [at] ang composer niya si Jomari Jintalan.”
Aminado ang Kapuso heartthrob na may alinlangan siya noong una sa pagkanta ng “Slow Dance.”
“Nung una kasi parang sabi ko, ‘hindi siya for me. Parang hindi bagay sa personality, at tsaka sa pagkatao ko.’”
Pagpapatuloy ni Kelvin, “In-explain lang naman ni sir Paulo na Kelvin, try mo lang. Damahin mo lang ‘yung song. I-offer mo sa mga tao nagtitiwala sa`yo. Maganda kasi 'yung ibig sabihin ng 'Slow Dance,' parang hindi lang siya patungkol sa special someone natin, kundi siyempre 'Slow Dance' is for everybody.”
“Like, ‘yung chances na due to the pandemic bumaba, bumibilis ‘yung panahon hindi na natin nae-enjoy ‘yung mga dapat natin i-enjoy. Kailangan natin mag-trabaho, wala na `yung pagpapahinga mo, wala na`yung pag-slowdown.”
Ang "Slow Dance" ay isnulat ni Jomari Felices Jintalan, iniareglo ni Zak Yokingco, at produced by Paulo Agudelo and GMA Music Publishing.
Heto ang ilan sa dashing photos ng GMA Artist Center heartthrob na si Kelvin Miranda:
Comments
comments powered by Disqus