SIKAT: Jeremiah Tiangco, ikinuwento ang challenges sa live performances ngayong may pandemic
August 04 2021
Itinuturing na malaking blessing ng The Clash grand winner na si Jeremiah Tiangco ang sunod-sunod na mga proyekto dahil kahit papaano ay nakakapagtrabaho siya sa gitna ng nararanasan nating global pandemic dulot ng COVID-19.
Pero sa panayam niya kay Papa Obet sa Sikat, hindi naitago ng Kapuso heartthrob ang kanyang kalungkutan na maraming pagbabago ang idinulot ang pandemya sa kanilang live performance sa All-Out Sundays.
Kuwento ni Jeremiah, “Masaya at the same time malungkot. Doon [muna] tayo sa masayang part, kasi ‘yung nga sabi ko may trabaho and second nakakasama ko ‘yung mga friends, nakakasama ko ‘yung mga co-artist ko, may interaction sa mga prods.
“Alam mo ‘yun nagkakaroon ng communication talaga, kasi iba rin ‘yun sa online lang, iba ‘yung ‘pag may intimate na connection ka doon sa certain na tao.”
Umamin siya na mahirap ang mga health and safety protocols na ini-implement tuwing taping lalo na at nakakaapekto ito sa kanilang pagkanta tulad ng pagsu-suot ng face shield.
Paliwanag ng Kapuso singer, “Tapos malungkot, kasi siyempre ‘pag sa studio we need to follow those safety protocols like face mask, face shield, grabe. ‘Di ba nga kung napapanood nila ‘pag kumakanta kami naka-face shield pa kami.”
“Mahirap huminga and magbabago audio mo and siyempre ang iniisip ko, ako personally, baka gumasgas sa face shield tutunog siya [make scratching sound].”
“Kahit negative kami, kaming mga artist, mga prods laging may nagpapaalala talaga na wear your face shield, wear face masks and siyempre doon sa stage kaya kami naka-face shield and meron kaming social distancing kasi hindi nga natin alam kung kanino at kelan [puwede tumama ‘yung COVID-19].” dagdag ni Jeremiah.
Nagpasalamat din ang OPM singer na sa kabila ng masamang epekto ng novel coronavirus disease sa showbiz industry ay patuloy pa rin ang tiwala na ibinibigay ng GMA-7 sa kanya, dahil hindi natitigil ang mga proyekto niya bilang Kapuso.
Saad niya, “So far, so good naman. Thankful [and] blessed sa mga shows na naibibigay sa akin.
“Nae-entrust sa akin and yes ‘yun ‘yung pinaka big blessing ko ngayon, kasi since pandemic madami nawalan ng trabaho, pero tayo sobrang blessed tayo kasi may mga opportunities tulad ng 'All-Out Sundays' and ‘yung iba pang shows na na-entrust sa akin.”
May sorpresa rin siya sa kanyang fans, dahil available na sa mga digital music platform ang bago niyang single under GMA Music na “Sa Tuwing Umuulan.”
Tungkol saan ang kantang ito?
Panoorin ang full interview ni Jeremiah Tiangco sa Facebook page ng Barangay LS 97.1.
Comments
comments powered by Disqus