SIKAT: 'The X-Factor' UK contestant Alisah Bonaobra, balik-eskuwela para lalo mahasa sa pagkanta | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bakit naisip ni Alisah Bonaobra na tapusin ang kurso niya sa kolehiyo, matapos ang pitong taon?

SIKAT: 'The X-Factor' UK contestant Alisah Bonaobra, balik-eskuwela para lalo mahasa sa pagkanta

By AEDRIANNE ACAR

Inspirasyon para sa maraming kabataan ang former X-Factor UK contestant na si Alisah Bonaobra dahil matapos ang pitong taon ay balik eskuwela siya.

Ibinahagi niya ang masayang update na ito sa panayam niya kay Papa Obet sa Sikat program.

Kasalukuyang siyang nag-aaral ngayon ng kursong Bachelor of Music sa University of Santo Tomas.

Kuwento ni Alisah, “Ako po ngayon I’ve been busy helping myself as productive as I can and nag-continue po ako ng studies ko as Bachelor of Music Major in Voice performance sa University of Santo Tomas.

“So I’m really hoping na makapagtapos na po ng pag-aaral, kasi almost seven years po ako na-stop e. Iba pa rin po talaga ‘pag tapos ng pag-aaral, so ‘yun po ‘yung mga pinagkakabisihan ko  ngayong panahon ng pandemic.”

 

 

Mahalaga raw para kay Alisah na matapos ang kanyang pag-aaral, dahil plano rin niya makapagtayo ng music school someday.

Aniya, “Actually nag-start po ako ng Bachelor of Music before ako mag 'The Voice.' As a singer gusto ko rin po makapagtayo ng sarili kong music school and makapagbigay ng mga workshop  ganyan, paras mas matulungan sila na mas mag-improve din  tulad ko na talagang nagi-strive hard to learn everyday.”

Dagdag pa ng tinaguriang “The Golden Voice” na na-realize niya na malaki ang advantage ng isang performer na nakapagtapos ng Bachelor of Music sa industriya na ginagalawan niya.

Paliwanag ng OPM singer, “Kasi po noong seven years ago [I] took up Bachelor of Music [for two years]. So medyo nagkaroon na po ako ng ideas sa mga rudiments, mga side singing and I can read notes na po  on the spot and I can play piano—minor piano.

“Siguro as a singer nakita kong malaking advantage ‘yung knowledge ko with my music course with the help of blending ganyan. ‘Yung mga ano talaga siya terminologies na sobrang malaking tulong as a singer po.”