SIKAT: OPM singer Nasser Amparna, apektado ba ang trabaho sa Singapore dahil COVID-19? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Alamin ang buhay ng dating Down To Mars member na si Nasser Amparna sa Singapore sa panayam ni Papa Obet sa programa niyang SIKAT. 

SIKAT: OPM singer Nasser Amparna, apektado ba ang trabaho sa Singapore dahil COVID-19?

By AEDRIANNE ACAR

Tuloy pa rin ang singing career ng former Down To Mars member na si Nasser Amparna kahit nasa Singapore.

Kahit busy sa trabaho niya sa isang international school, nagagawa pa rin gawin ni Nasser ang first love niya, ang pagkanta.

Kamakailan lang, nilabas niya ang kanyang digital album na Right Time na may carrier single na "Tamang Panahon."

Sa exclusive interview ni Papa Obet kay Nasser sa Sikat last weekend, napag-usapan nila kung naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang trabaho niya sa Singapore.

Kuwento ng magaling na entertainer, “Lahat na nag-lockdown, ‘di ba? Sa Singapore, I work in an educational sector, so kami nag-circuit breaker kami. Nag-lockdown kami for two months, pero after nun bumalik na kami sa normal.”

Pinuri ni Nasser ang naging tugon ng Singaporean government sa pandemya.

Wika niya, “So, nagka-class, may trabaho kami, reporting pa rin kami sa school, may estudyante kami. Parang normal, naka-mask lang kami lahat. Ganun  na-handle ng Singapre ‘yung COVID cases dito sa bansa.”

 

Photo taken from Barangay LS Forever Facebook

 

Hindi na rin nakakagulat na napamahal kay Nasser ang Singapore magmula noong pumunta siya rito taong 2014 para magtrabaho.

 

Sa panayam ng Barangay LS, inisa-isa niya ang mga dahilan kung bakit mas pinili niya manirahan dito.

Pagbibida pa ni Nasser, hindi nakakaranas ng racism ang tulad niyang banyaga na nagta-trabaho sa island city state.

Saad niya, “Unang-una talaga, sobrang safe dito sa Singapore. Pangalawa, it’s a cultural hotpo, so maraming iba’t ibang kultura like Chinese, Singaporean, Malay, Indians, Filipinos, mga Western people—andito sila lahat. So, ‘yung respeto nila about ‘yung difference ng races mataas.

“So, walang lugar dito ‘yung racism dito sa Singapore. 'Tsaka, mape-penalize ka and then, ‘yung mga tao dito disiplinado.

“Talagang gusto ko i-highlight ‘yung disiplinado ‘yung mga tao dito. Kasi, once the government told them to do things, wala sila magagawa kung hindi mag-obey.”

Paano kaya pinagsasabay ni Nasser ang music career  at kanyang day job?

Panoorin ang buong panayam ni Papa Obet sa Sikat sa video below.

 

How singer-composer Nasser found new life in Singapore

Samantala, narito ang ilang celebrities na iniwan na may regular jobs na ngayon: