SB19, ano-ano ang pinagkaabalahan sa gitna ng pandemya?
May 17 2021
Sa kabila ng tinatamasang tagumpay ng P-pop phenom group na SB19, hindi rin nakaiwas ang grupo sa epekto ng COVID-19 noong 2020.
Kaya inalam ni Papa Obet sa exclusive interview niya with Pablo, Justin, Stell, Ken, and Josh kung paano sila nag-adjust sa gitna ng nararansan nating pandemya.
Ayon kay Justin, mas pinili niya mag-focus sa passion niya bilang isang multimedia arts student.
Saad niya, “Siyempre po may kanya-kanya kaming parang ways to cope up or to maintain our mental health namin na good.
“So for me po, personally ang ginagawa ko po dahil po isa akong multimedia arts student, pag hindi nagwo-work ine-extend ko po ‘yung skills ko through media art. Nagbi-video editing din ako or mismong traditional art din po, nagpi-painting din po ako just to relax ‘yung sarili ko po.”
Para naman kay Pablo, naging sandalan niya ngayong may COVID-19 pandemic ang paggawa ng kanta at panonood ng favorite series niya.
Wika niya, “Ako naman po binabalikan ko po ‘yung mga favorite series na pinapanood ko. Saka mahilig din po ako magbasa ng poetry, magse-search po ako ng poetry sa net, ganyan, babasahin ko po yan.
“Tapos patuloy pa rin po ‘yung paggawa ng kanta, kasi ‘yun pa rin po ‘yung ikinabubuhay po namin, kailangan po ‘yun.”
Inspirasyon naman para sa A’TIN ang ginawa ni Stell, kung saan sinubukan niyang pagyamanin ang iba pa niyang talent. Kuwento niya kay Papa Obet na natuto siya mag-bake at tumugtog ng ukulele.
Pagbibida nito, “Na-try ko po i-explore ‘yung mga iba’t ibang bagay po na feeling ko kaya kong gawin. Halimbawa po, nag-try po ako mag-baking, nag-try po ako mag-aral ng guitar, nag-aral ng ukulele.
“Nag-explore ng iba’t-ibang genre ng music, hindi naman totally super explore, pero nag-try ako noong kung ano pa kayang gawin ng boses ko.”
Ano-ano naman ang mga pinagkabalahan nina Ken at Josh? Silipin sa full interview ng SB19 sa video below.
Mas lalong kilalanin ang chart-topping Filipino boy group na SB19 sa gallery na ito:
Comments
comments powered by Disqus