Jeniffer Maravilla, may mahihiling pa ba sa GMA-7? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nakilala si Jeniffer Maravilla nang sumali siya sa Season 2 ng all-original Kapuso musical competition na ‘The Clash.’

Jeniffer Maravilla, may mahihiling pa ba sa GMA-7?

By AEDRIANNE ACAR

 

Walang pagsidlan ng tuwa ang Kapuso diva at former The Clash finalist na si Jeniffer Maravilla sa mga opportunities na ibinibigay sa kanya ng GMA-7.

Sa exclusive interview niya with Papa Obet sa Sikat, taos-puso ang pasasalamat nito sa kanyang home network.

Sambit nito, “Sobra po akong grateful, sobrang naeenjoy ko po talaga ‘yung mga gigs and mga work na ibinibigay sa akin. So, totoo po, so maraming, maraming salamat, of course, sa aking GMA Artist Center family, sa aking manager.

“Yes po and sa aking handler, thank you, thank you po talaga sa pagkakataon.”

Bukod sa mga singing contest, marami ang hindi nakakaalam na dati nang sumali si Jeniffer sa isang beauty pageant at ni-represent ang siyudad ng Malabon.

Malaki raw ang naitulong ng kanyang pageant experience, dahil ang daming “inspirational” women ang nakilala niya noon.

Pagbabalik-tanaw ng promising singer, “Oh my gosh! Ang tagal-tagal na nun Papa Obet. Pero, oo talagang I personally think nakatulong sa akin talaga ‘yung pageant journey ko kasi, ang dami kong mga na-meet na babae talaga na hindi lang basta maganda, pero talagang a women with values talaga and talagang a women with substance.”

 

 

Kahit apektado ng COVID-19 pandemic ang kanyang trabaho bilang performer noong 2020, mas pinili ni Jeniffer na pagtuunan ang pag-o-online streaming at natuto rin siya ng bagong skills tulad ng page-edit.

 

Wika niya, “Since wala nga po mga events ngayon, talagang halos lahat po kasi talaga ngayon online, e. So, ‘yung mga kagaya ko po talagang performers na talagang na-busy po kami sa pag-o-online stream, kasi ‘yun po ang isa sa mga naging major na platforms namin, mga kagaya ko talaga na makapagbigay talaga ng saya [and] entertainment with the people, so ‘yun medyo na-busy po ako sa pagli-livestream.

“Also, of course, uploading videos and talagang mga editing skills, ay naku isa sa mga pinakakailangan namin matutunan and natutunan ko po during the quarantine.”

Alamin ang inspiration ng single niya na "Aabutin" na isa mga naging OST ng The Lost Recipe.’

 

Narito ang official music video ng "Aabutin":

 

Kilalanin pa si Jennifer Maravilla sa gallery na ito: