Golden Cañedo, natuto mas maging independent sa gitna ng pandemic
February 18 2021
Learning experience para kay Golden Cañedo ang nararanasan nating COVID-19 pandemic.
Sa exclusive interview ni Papa Obet sa promising Kapuso singer, isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ni Golden ang kanyang pag-aaral.
Wika niya, “Sobrang busy sa school, kasi ‘yun po nagfo-focus ako sa school kasi graduating na po ako ng high school.”
Ibinida pa niya sa Barangay LS radio host ang mga bagong skills na natutunan niya tulad ng pagre-record ng kanta na kailangan niya sa kanyang trabaho bilang performer.
Aniya, “Sobra po! Kung sa bahay sobrang dami and of course sa sarili ko din sobrang dami, kasi ‘yung mas hindi mo magawa dati, nagagawa mo na.
“Like dati hindi ako marunong mag-record sa self ko, like recording something ganyan.
“Ngayon, kailangan marunong ka na kasi, ‘yun nga sa work, so kailangan like ‘yung mga lightings dito, lightings ganun, sa camera. Sobrang hirap pa like ‘yung signal [smiles].”
GMA Music single, ‘Walang Hanggang Sandali’
Apat na bigatin na music personalities naman ang nagtulung-tulong para mabuo ang single ni Golden na "Walang Hanggang Sandali" under her record label na GMA Music. Ito ay walang iba kundi sina Mr. Ebe Dancel, Yumi Lacsamana, Mr Herbert Hernandez at Jim Paredes.
Tungkol saan ang kantang ito ng Kapuso singer?
Paliwanag ng OPM performer, “’Yung story niya it’s all about chance encounter, in love siya sa song.
“Ballad siya…maaantig talaga ‘yung mga in love ngayon.”
Taos-puso din ang pasasalamat ni Golden Cañedo sa mga tips na ibinigay sa kanya ng mga manunulat.
Saad niya, “’Yung advice nila sa akin sa song, bibigyan ko ng justice ‘yung song. Sabi nila nabigyan ko naman daw, so thankful dahil ibinigay po nila ‘yung kanta at ipinagkatiwala po nila sa akin.”
Heto pa ilan sa mga kilalang singers na produkto ng mga patok na Kapuso singing competition sa gallery below.
Related content:
Golden Cañedo launches "Walang Hanggang Sandali" TikTok challenge
Comments
comments powered by Disqus