Weight loss transformation ni Arnold Clavio, pinusuan ng mga netizen | GMANetwork.com - Radio - Articles

May mensahe ang award-winning broadcaster na si Arnold Clavio sa mga gustong maging fit ngayong 2021.

Weight loss transformation ni Arnold Clavio, pinusuan ng mga netizen

By AEDRIANNE ACAR

Goal n’yo bang pumayat ngayong 2021?

Puwes, pwede n'yong subukan ang weight loss tip ng GMA News pillar na  si Arnold Clavio para makamit ang ideal weight.

Sa Instagram post ng award-winning TV-radio anchor, nagbahagi siya ng short video clip ng before- and-after photo niya.

Makikita na malaki ang pinayat ni Arnold, o mas kilala bilang Igan, mula noong 2011.

Ayon kay Arnold, mas pinili niyang i-regulate ang kanyang pagkain kaysa magpunta sa gym at mag-work out

Dagdag pa niya, hangad niyang maka-inspire ng kanyang Instagram followers para tutukan ang kanilang pangangatawan at mas maging healthy.

“Hope I can inspire you mga ‘iGan, lalo na ang mga diabetic na tulad ko.

"Sa mga nagtatanong, anyare? I have no time to go sa gym—kaya what I did, nag-practice ako ng ‘SFM’ [small frequent meal] at BKIL [balik kain, iwas lamon]

“Good luck. Kaya nyo yan!!!”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan)

 

Pinusuan naman ng mga netizen at katrabaho niya sa GMA News and Public Affairs ang weight loss transformation ni Arnold Clavio.

 

 

Heto pa ang ilan sa mga inspiring transformation ng paborito ninyong celebrities!

 

Awards and recognitions

Samantala, espesyal ang 2020 para kay Arnold Clavio dahil ilang ulit kinilala ang kontribusyon niya bilang isang news personality.

Inuwi niya ang Most Outstanding Radio Broadcaster sa 3rd Gawad Lasallianeta. 

Wagi din siya sa 14th UPLB Isko't Iska Multi-media Awards nang itanghal sila ni Pia Arcangel bilang Best News Anchors para sa late-night newscast program na Saksi.

Related content:

Arnold Clavio expresses gratitude towards frontliners

WATCH: Arnold Clavio, itinuturing na second family ang 'Unang Hirit' barkada

Award-winning anchor Arnold Clavio, buong-puso ang pasasalamat sa mga bumubuo ng 'Dobol B sa News TV'