Joel Reyes Zobel, mas inspirado matapos manalo sa 15th Gawad Filipino Awards | GMANetwork.com - Radio - Articles

Joel Reyes Zobel, nangako pag-iibayuhin ang pagbibigay ng serbisyong totoo matapos manalo sa 15th Gawad Filipino Awards.

Joel Reyes Zobel, mas inspirado matapos manalo sa 15th Gawad Filipino Awards

By AEDRIANNE ACAR

Bago matapos ang 2020, tatlong miyembro ng Super Radyo DZBB family ang pinarangalan sa katatapos lamang na 15th Gawad Filipino Awards.

Inuwi nina DZBB radio achors Joel Reyes Zobel at Ali Sotto ang parangal bilang "Hero of the Year" ngayong 2020.

Isa rin sa mga kinilala sa Gawad Filipino Awards ang Kapuso radio reporter na si Mark Makalalad bilang "Hero Journalist of the Year."

 

Award winning radio host Joel Reyes Zobel left of GMA News Pillar Mike Enriquez

Award-winning radio host Joel Reyes Zobel (left of GMA News Pillar Mike Enriquez) / Photo taken from Joel Reyes Zobel’s Instagram account

Sa Instagram post ni Joel, nangako ito na patuloy siya magbibigay ng serbisyong totoo sa kanilang milyun-milyon na radio listeners.

“Salamat sa Gawad Filipino Awards sa pagkilala! Asahan ninyo na magsisilbing inspirasyon ito sa patuloy na #serbisyongtotoo sa diyos at kapwa.”

 

Samantala, taos-puso rin ang pasasalamat ni Mark sa award na iginawad sa kanya na hindi nakadalo, dahil sa ipinapatupad na COVID-19 restrictions.

Sabi niya sa Facebook post, “Thank you Gawad Filipino for the recognition.

“It’s an honor to be named as one of the hero journalists for the year 2020.

“Wasn’t able to attend the awarding due to COVID-19 restrictions.

“To God be the glory!”

 

 

Huwag n’yo rin kakalimutan mga Kapuso at Kabarangay na tumutok sa bagong programa ni Joel na Konsyumer Atbp, kung saan makakasama niya si Department of Trade and Industry (DTI) undersecretary Ruth Castelo tuwing Sabado ng umaga, 10:00 - 11:00 A.M. sa Super Radyo DZBB 594 at sa Dobol B sa News TV.

Related content:

Janna Chu Chu, wagi sa 2020 Laguna Excellence Awards!

Connie Sison, excited sa award mula sa Catholic Mass Media